^

PSN Showbiz

Hiwalayang Sunshine at Macky, hindi naging maingay?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Hiwalayang Sunshine at Macky, hindi naging maingay?!
Macky at Sunshine
STAR/ File

Hindi nga ba naging maingay ang hiwalayan nina Sunshine Cruz at Macky Mathay?

Nag-umpisa lang magduda ang marami nang hindi nakita si Macky sa birthday ng anak ni Sunshine at Cesar Montano na si Angelina kung saan present ang bagong pamilya ng ex nitong si Cesar.

At lalong tumibay ang duda nang makita sa Instagram account nila na hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa.

At mas animo’y nakumpirma sa post ni Sunshine na  “I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being gi­ven to me and my family afterall. Wala akong karapatang magreklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

Lalo nga at nag-message pa ang pinsan niyang si Donna Cruz ng “Beautiful!
God will work things together for our good, Shine! Love and miss you!
“And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose.” (Romans 8:28 NKJV).”

Nagkaroon na ng dating intriga sa kanilang pagsasama bago pa itong pagkalat na hiwalay na sila.

Nanalo si Macky bilang councilor sa San Juan.

SUNSHINE CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with