^

PSN Showbiz

Buhay ni Vice, kinumpleto ni Ion!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Buhay ni Vice, kinumpleto ni Ion!
Vice at Ion
STAR/ File

Ilang taon na ang nakalilipas mula nang aminin ni Vice Ganda sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez. Maayos ang pagsasama ng magkasintahan at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto nang magkaroon ng anak ng Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar. “Yes, gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa,” bungad ni Vice.

Ngayon ay apatnapu’t anim na taong gulang na ang It’s Showtime host. Iniisip ni Vice kung ano ang mga posibleng mangyari kung sakali mang mabiyayaan ng anak. “Actually, nagko-compute din ako. Maaala­gaan ko pa ba ito ‘pag ganitong edad? ‘Pag nag-debut siya, ilang taon ako no’n. Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya? Iniisip ko rin ‘yung mga gano’n,” makahulugang pagbabhagi niya.

Para kay Vice ay nakumpleto na ang kanyang buhay nang makilala at pakasalan siya ni Ion. Itinuturing ng komedyante na isang mala­king biyaya si Ion sa kanyang personal na buhay. “No’ng na-meet ko si Ion, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life, and I need him to be in my life,” pagtatapos ng It’s Showtime host.

Kaori, enjoy sa walang permanenteng loveteam

Mapapanood na simula Oct. 7 ang Tara G na pinagbibidahan nina Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree Esclito, Zach Castañeda, CJ Salonga at Daniela Stranner. Ngayon lamang nagkatam­bal sina Kaori at JC at ayon sa aktres ay ini-enjoy niya ngayon na walang permanenteng kaparehas. “Ini-enjoy ko siya. Kasi ngayon, the more na marami akong nakakapares, mas marami akong experiences. At the right time siguro, if ever man kung para sa akin ‘yung mag-stick ako sa isang love team, i-e-embrace ko rin ‘yon. Pero ngayon, ini-embrace ko ‘yung moment na binibigyan ako ng chance na makatrabaho ‘yung ibang actor,” paglalahad ni Kaori.

Ayon sa aktres ay hindi siya nahirapang pakiligin ni JC sa mga eksena dahil maga­ling ang aktor sa naturang iwantTFC series. “Sa kilig naman, aminado naman si JC na magaling siya magpakilig. Proud siya diyan sa sarili niya,” dagdag ng aktres.

Para naman kay JC ay marami rin siyang natututunan mula kay Kaori pagdating sa trabaho. “Ayoko nangingibabaw, gusto ko pantay kaming umaarte. Gusto ko kasi sabay kaming umaangat. Kaya thank you, Kaori, sa tiwalang binigay mo,” pahayag ni JC.

(Reports from JCC)

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with