^

PSN Showbiz

Sunshine, naka-bonding ang bagong karelasyon at ibang mga anak ni Cesar

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, naka-bonding ang bagong karelasyon at ibang mga anak ni Cesar
Kath, Sunshine, Cesar at mga anak

All’s well that ends well sa dating mag-asawang Cesar Montano and Sunshine Cruz.

Nawala na ang lahat nang kung anumang pinagdaanan nila noon bilang mag-asawa na nagtapos sa annulment.

Nagsama ang dating mag-asawa sa birthday ng anak nila ni Cesar na si Angelina Cruz.

At kasama ng aktor doon ang bago niyang partner na si Kath Angeles at kanilang tatlong anak.

Ipinost pa ni Sunshine ang ‘family photos’ nila. “We love you Angelina!,” aniya sa caption.

‘Di naman nakita sa nasabing picture ang current partner ni Sunshine na si Macky Mathay.

Unang nagkaroon ng reunion ang dating mag-asawa nung 18th birthday ng kanilang second child na si Sam noong nakaraang buwan.

Napuri naman si Sunshine dahil sa kabila raw ng mga nangyari sa kanila ni Cesar ay kinalimutan niya ang lahat alang-alang sa kanilang tatlong dalagang anak.

 

CESAR MONTANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with