^

PSN Showbiz

Bong, inoperahan din sa mata

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bong, inoperahan din sa mata
Bong Revilla

Anong nangyari kay Sen. Bong (Revilla)? Bungad na tanong namin kay Cong. Lani Mercado noong Biyernes ng tanghali sa isang interview.

Bakit siya naoperahan ng tatlong beses?

“’Yung una, siya na lang magkuwento. ‘Yung second, nagkaroon siya ng kidney stone. Akala namin stomach pain lang kasi may gastritis siya dati. So pina-check namin, ang cause pala ng kanyang stomach pain is kidney stone, shinock wave siya para matunaw ‘yung kidney stone para i-flush out niya. ‘Yung ikatlo is cataract operations, both eyes. So at an early age may cataract siya,” banggit niya.

Sunud-sunod ang operations niya?

“It started July hanggang August. Medyo nag-gain siya ng weight kasi hindi siya puwedeng magbuhat. Hindi siya puwedeng mag-exercise.”

Totoo bang cause ng isa sa operations niya is ‘yung kaka-exercise niya?

“’Yung first. Kasi alam mo naman ang buhay ni Sen. Bong, hindi kumpleto ang araw niya ‘pag hindi ‘yan nag-exercise at nag-gym kasi action star. He wants to remain fit, maintain his posture, his fitness. ‘Yun ang isa sa naging cause ng first operation niya. Kasi heavy ‘yung kanyang workout.”

Naka-recover na ba siya ngayon?

“Ok naman siya ngayon pero slowly but surely, hinay-hinay pa rin. More on cardio exercises siya. Nagbubuhat siya pero very very light pero dapat nga ‘wag muna kasi hindi pa nakaka-one month ‘yung left eye niya from cataract operations. Bago nangyari ‘yung cataract operations niya, akala niya may vertigo siya. Sabi namin magpatingin muna sa mata,” pagbabahagi ni Lani na aminadong sa banyo na lang sila nagba-bonding ng mister dahil magkaiba ang schedule nila everyday.

Ayon kay Sen. Bong, 20-20 na ulit ang vision niya at mai­ngat na rin siyang mag-workout.

Ngayong araw ang 56th birthday ni Sen. Bong.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with