^

PSN Showbiz

Bong, ibang klaseng kaibigan!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, ibang klaseng kaibigan!
Bong Revilla at Lolit Solis

Dedicated ko kay Bong Revilla itong item kong ito.

Sasabihin ko na sa mga alaga ko, siguro si Bong ang talagang pumalit sa puwesto ni Gabby Concepcion noon na parang anak ko talaga.

Kahit ano pang sabihin ng bashers, isa si Bong sa pinakamabait at pinakamalambot ang puso.

Madali siyang maawa, madaling mapasaya, hindi nang-iiwan ng kasama, at higit sa lahat talagang maaasahan mo.

Honest siya, itanong mo ang isang bagay, sasagutin niya, makikiusap lang siya na kung puwede huwag nang palakihin.

Good provider at dependable family man. Tinitiyak niya na maganda ang katayuan ng pamilya niya. Idol siya ng mga anak niya, kaya naman hindi nakapagtataka na gusto ng mga ito na kung ano ang ginagawa ng ama nila ay iyon ang sinusundan nila.

Patunay ng pagiging masuwerte ni Bong  na isa siya sa top star ng showbiz, at ngayon ay matagumpay na pulitiko. Sabi nga, pinagpapala ng langit ang isang tao basta mabait at tapat siya, kaya siguro suwerte siya. Mahal siya ng nasa Itaas dahil halos lahat ng pangarap niya natutupad.

Siya ang isang tao na maniniwala ako who will take a bullet for somebody na mahal niya. Generous siya to a fault dahil kahit sinong humingi basta kaya niya, bibigyan niya.

 Imposible na hindi mo mahalin ang isang Bong ‘pag nakasama mo siya, dahil napakabait niyang katrabaho.

Hindi siya ang tipo na nang-aagaw ng eksena. Bilang artista, top of the line siya, as producer, very fair siya, bilang pulitiko, maaasahan siya, pero ang pinakaimportante, as a person, ipagmamalaki at igagalang mo siya.

Bong Revilla is a gem bilang kaibigan kaya isa siya sa pinakamahal among our stars. Wala siyang inggit sa katawan, wala siyang insecurity. Matatag ang confidence niya kaya focus siya kung ano ang gusto niyang gawin.

Forever thankful ako sa friendship at trust niya, kaya sa kanyang birthday, isa lang masasabi ko, I salute you, Bong Revilla, you’re such a braveheart, a kind person, a loving family man. Be happy and strong forever. Happy Birthday!

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with