^

PSN Showbiz

Derek, kanselado na ang kontrata sa GMA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek, kanselado na ang kontrata sa GMA
Derek Ramsay

Maayos na ini-release ng GMA 7 si Derek Ramsay.

‘Yun naman ang mga pahayag ni Derek nang huli siyang nakapanayam na walang samaan nang loob. Nagpaalam siya nang maayos sa bosses ng GMA 7 na hindi muna siya magpapatuloy sa pagtrabaho sa TV.

Naintindihan naman siya kaya inareglo nila lahat at nilinaw na mutual na decision ng aktor at ng network.

‘Yun din ang mga pahayag ng Senior Vice President for Entertainment TV Ms. Lilybeth G. Rasonable na pareho nila itong napagkasunduan.

“As what he said, it was mutual decision naman kasi may iba siyang pinagkakaabalahan ngayon and then, he’s not ready pa naman to into full time what he used to do.

“Nirerespeto naman namin ‘yun ‘di ba? Prioritizing his new family. So, kami… no bad blood. As what he said, no bad blood talaga between GMA and him,” pakli ni Ma’am Lilybeth nang nakapanayam namin sa media conference ng bagong primetime drama na Maria Clara at Ibarra na ginanap sa Barbara’s Heritage Restaurant sa Intramuros, Manila.

Nakatakda raw talaga silang mag-meeting dahil kailangan nilang pag-usapan ang kontrata nitong matagal nang suspended. Doon nga raw nila ito napag-usapan at napagkasunduan.

Ngayon ay inaayos na raw nila ito na ma-stop na ang kontrata.

Kung sakaling magbago na ng isip at mag-decide na ang aktor na gusto niyang bumalik sa TV, nangako naman daw itong ang GMA 7 ang first priority.

“’Yun naman ang na-commitment niya na if ever he wants na he feels like he can already go back, then he would have the first option to offer him a project,” sabi pa ni Ma’am Lilybeth.

Barbie at Jak matibay ang relasyon, na-shock sa hiwalayan

Sayang at wala si Julie Anne San Jose sa mediacon ng Maria Clara at Ibarra dahil nasa Amerika siya kasama sina Dingdong Dantes, Rayver Cruz, Bea Alonzo, AiAi delas Alas at Lani Misalucha na magsu-show roon para sa GMA Pinoy TV.

Hindi naman puwedeng pangunahan ni Barbie Forteza kung ano talaga ang tungkol sa kanila ni Rayver.

Kaya kinumusta namin kay Barbie kung kumusta sila ng bestfriend niya habang nasa lock-in taping sila sa Ilocos Sur. “Ano po ang huling sinabi nila? Tungkol saan? Baka kasi may masabi ako na hindi pa pala nila sinasabi,” maingat na sagot sa amin.

Diretso naming tinanong kung nakikita ba niyang in love na in love si Julie Anne.

“Happy sila ngayon,” pakli ni Barbie na gumaganap bilang si Klay sa naturang historical portal fantasy series.

“Kasi nga sinasabi ko sa kanya, Diyos ko! Na-achieve mo na lahat. Nakuha mo na lahat. Talagang siguro, personal happiness na lang ang kulang, I guess. And now na nakikita ko naman napakabait ni Rayver. So, I’m very happy that he makes her happy. And ngayon magkasama sila sa Amerika,” kinikilig na pahayag ni Barbie.

Pero hindi na siya kinilig at matinding gulat ang reaksyon niya sa kasunod kong tanong kung totoong break na ba sila ni Jak Roberto.

May kumalat na naman kasing fake news sa social media na “JakBie No More.” Hindi raw siya aware na break na naman pala sila ni Jak.

“Last time I checked. Wala namang nababanggit sa akin si Jak. Magkasama kami kanina, hinatid namin ang kapatid ko at ‘yung pamangkin ko pabalik ng Amerika, hinatid namin sila sa airport,” bulalas ni Barbie.

“Very hands on ninong siya sa pamangkin. Very tou­ching for me, kasi naunang umuwi ‘yung kapatid ko from the US bago ako nakapag-leave sa trabaho. So, habang wala ako siya talaga ‘yung naging hands on. Siya talaga ‘yung nag-asikaso sa kapatid ko, sa buong family ko while I’m gone.

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, ‘yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay, ‘yun.

“Nagulat naman ako. Break na naman kami? Nag-break na kami dati a,” natatawa niyang pahayag.

Lalong gumanda ngayon si Barbie, dahil inspired sa relasyon nila ng Kapuso hunk. “To clear everything, napakasaya po ng puso ko ngayon, dahil masayang-masaya po kami ni Jak. I cannot explain, how happy we are right now. And ‘yun nga nakasama ko ang pamilya ko, nakasama ko ang kapatid ko, ang pamangkin ko, ang brother-in-law ko kasama si Jak with my whole family.

“So, all in all napakasaya po ng puso ko ngayon,” saad ni ­Barbie.

Bukod kay Julie Anne, kasama ni Barbie rito sina Dennis Trillo, Rocco Nacino, Tirso Cruz III, Juancho Trivino, Manilyn Reynes, Juan Rodrigo, Lou Veloso, Ces Quesada, Gillete Sandico, at may special participation dito si Andrea Torres bilang si Sisa. Magsisimula na ito sa Oct. 3 pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with