^

PSN Showbiz

Piolo, ‘di nagtatanim ng sama ng loob

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, âdi nagtatanim ng sama ng loob
Piolo Pascual at Lolit Solis.

Ngayon ko naintindihan, Salve, ‘yung point ni Piolo Pascual kung bakit wala pa siyang lovelife.

Totoo ang sinabi niya na kung minsan may mga gusto kang bagay na mas matimbang sa iyo kesa isang partner. Masaya siya sa pagiging busy sa kanyang mga tanim, na ‘pag nakita niya na nagbubunga at lumalago, ibang happiness ang nadarama niya.

At totoo rin ‘yung sinabi niya na ang love hindi naman hinahanap, dumarating lang sa tamang panahon. Piolo needs presscon like this ng Beautederm para may time siyang ipaliwanag ang mga bagay na gustong malaman ng mga tao about him.

Katibayan ng kabaitan ni Piolo Pascual ang paglimot niya sa kagagahan na nagawa ko noon na ikinagalit ni direk Johnny Manahan. Anywhere makita ko siya may welcoming smile siya, bumabati siya. Magalang at mabait kaya naman hanggang ngayon mataas pa rin ang kinalalagyan niya. Isang top A-List actor si Piolo at tiyak na mamamalagi siyang nasa top nang matagal na panahon dahil professional at mahusay siyang actor.

Ang galing niya sa Flower of Evil at talagang ang husay ng pagganap niya. Now I can proudly say na fan ako ni Piolo  at hindi ko kalilimutang bumili ng toothpaste ng Beautederm na endorser si Piolo. Perfect choice siya talaga ni Rhea Tan, bonggang combination.

At pinakabongga na yata sa lahat ang presscon ng Beautederm. Umaapaw ang ganda ng product giveaways niya, at mga regalo na binigay sa press people. Ang saya-saya ng lahat, dahil pati si Piolo nagtagal dahil nga ang saya rin niya.

Talagang na-master na ni Rhea ang kiliti ng mga taga-showbiz. Alam na niya kung paano sila mapapasaya. Kung paano uuwi nang maligaya ang lahat. Talagang kung ‘di nagalit sina Gorgy at Salve, hitsura talagang nagbabad ako sa presscon dahil nang lumapit at halikan ako ni Piolo  parang lumakas ako at nawala lahat ng sakit sa katawan. Beautederm will be number 1 for the longest time, with the charms of Rhea Tan, luck of Piolo Pascual, plus the effectiveness of Beautederm products, talagang wala nang tatalo.

PIOLO PASCUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with