^

PSN Showbiz

'Tagal kitang hinintay': Angelica Panganiban nanganak na

James Relativo - Philstar.com
'Tagal kitang hinintay': Angelica Panganiban nanganak na
Litrato nina Angelica Panganiban (kaliwa), nobyong si Gregg Homan (gitna) at anak nina si Amila Sabine (kanan)
Mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na mommy ang aktres na si Angelica Panganiban matapos iluwal ang una nilang supling ng non-showbiz partner na si Gregg Homan.

Biyernes nang bahagyang ipasilip ng dating child star sa Instagram ang kanilang anak, na siyang ipinanganak daw nitong Martes, ika-20 ng Setyembre.

"Bean waiting for you all my life," ani Angelica kanina, kalakip ng close-up photo ng sanggol.

"Amila Sabine Homan. 9•20•2022."

Marso pa nang una nang ibulgar sa madla na nagdadalang-tao siya sa unang baby sa kanyang nobyong si Gregg.

Binaha tuloy ng pagbati ng first-time mom, na matagal-tagal nang excited sa pagdating ng kanyang baby.

"Congratulations beautiful angge!!!!!" sabi ng kapwa aktres na si Janine Gutierrez.

Sabi naman ni Camille Prats: "Sissssss congratulations!!!!!! she's got your eyes."

"Congrats Ate!!! Halu bbbbbbb!!!," sabi naman ni Jasmin Curtis Smith.

Napa-"yey!" at "yahoo!" naman sina Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda at film producer na si Neil Arce sa pagdating ni baby Amila.

Mayo lang nang ipasilip niya ang underwater-themed na kwartong naghihintay para sa kanilang anak.

ANGELICA PANGANIBAN

BABY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with