^

PSN Showbiz

‘Ang sarap sanang magkasakit, mahirap lang sa katawan’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âAng sarap sanang magkasakit, mahirap lang sa katawanâ
Tonton, Sneezy, Lolit at mga nurse.

Binigyan ako ng isang rich fruit vendor friend ko na itago natin sa pangalang Faye ng fruits.

Ang sarap sanang magkasakit, Salve, kung ‘di lang hirap ang katawan mo. Kasi ang dami nagbibigay ng food at fruits, meron pang lucky envelopes.

Talagang na-feel ko na ang dami kong loving friends, ang dami kong mga nagmamahal na angels.

Si Mama Susan Co ng Puregold at SnR nagpunta ng Our Lady of Manaoag at nag-light ng candles at ipinagdasal ako.

Si Mama Alice Eduardo lagi ang kumusta sa lagay ko.

Kahit nga si Boss Vic del Rosario talagang concerned sa health ko.

Paano ako hindi gagaling sa rami ng mga nagmamahal sa akin.

Touching ang ipinapakita nilang pagmamahal kaya naman punung-puno ang puso ko.

Natatawa nga ako dahil parang lahat alam na may sakit ako, hah hah. Ang lakas ng publicity, hah hah. Pero no joke, may tama talaga sa puso ang love na nadarama ko. Salamat talaga. Forever grateful.

Rhea, nagbunga ang pagsisipag

Good day kahapon. Back-to-back ang face-to-face meet and greet na naganap. Merong Bong Revilla at Piolo Pascual, kaya talagang grabe ang sign ng isang magandang araw kahapon.

At kahit talagang pinipigilan ako ni Bong Revilla na maglagare, talagang sinuway ko para lang makita ang favorite ko na si Rhea Tan ng Beautederm na talagang ayaw paawat sa pagiging number 1 ng products ngayon.

Saksi ako sa malakas na sales nito dahil ang dami kong nakikitang mga tao na may dalang Beautederm sa kanilang kikay kit.

Talagang nagbunga ang pagiging masipag at focus ni Rhea Tan dahil heto at kahit saan kilalang-kilala siya.

Nakita mo ba ang billboards niya sa highway? Bongga!

Ikaw na ang maging isang Rhea Tan, young, beautiful, successful, para ring Beautederm products na lahat gusto meron sila.

Kaya Salve at Gorgy, dapat andu’n tayo kung saan successful ang mga tao para maging ganun din tayo.

Huwag tayo sasama sa losers, magiging loser din tayo, kasi nega. Lagi lang tayo sa bright side, para mas light ang buhay.

OUR LADY OF MANAOAG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with