^

PSN Showbiz

Manager ‘di alam ang gagawin... Direk Chito, liyung-liyo sa nangyayari kay Vhong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Manager âdi alam ang gagawin... Direk Chito, liyung-liyo sa nangyayari kay Vhong
Direk Chito.

Mainit pa ring pinag-uusapan at sinusu­baybayan ang tungkol sa nangyari kay Vhong Navarro.

Nagsalita na rin ang asawa ni Vhong na si Tanya Bautista-Navarro tungkol sa pinagdaanan nila ngayon.

Sa kabila ng hirap na pinagdaanan ni Vhong, napaka-positive pa rin daw niya kahit bumibigay ito minsan.

Pero aminado si Tanya na mas kabado siya ngayon sa kaligtasan ng kanyang asawa.

Lalo nung nakarating sa kanila ang balitang posibleng ilipat si Vhong sa Taguig City Jail, kinakabahan daw si Tanya para kay Vhong.

“Very scared. Scary for Vhong.

“I think the lawyers also filed the motion para huwag umabot dun,” pakli ni Tanya.

Kahit naman daw si Vhong ay naramdaman niyang kampante siya kung nasa NBI siya naka-detain.

Nagpapasalamat na lang sila sa suporta at ipinaparating na pagmamahal sa kanila.

Isa nga sa apektado ay si Direk Chito Roño na mentor at manager ni Vhong.

“Syempre, liyung-liyo ako sa nangyayari sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

“I want justice to work as it is. I want justice to be enforced, hindi corrupted,” sabi na lang ni direk Chito.

Tapatan ng pamilya nina Isko at Ronnie, mahirap talbugan

Nakapagtala ng pinakamataas na rating ang Family Feud nung nakaraang Martes na kung saan naglaro ang pamilya nina Isko Moreno o ang Domagoso family versus sa pamilya ni Ronnie Ricketts.

Isa raw ‘yun sa pinakamasayang episode na kung saan nakikitang nag-enjoy nang hustong naglaro ang dalawang pamilya, pati si Dingdong Dantes.

Ramdam na raw nilang mataas ang rating dahil sa napakaraming views sa YouTube.

Ang episode na ‘yun ay nakapagtala ng 14 percent na parang mahirap nang talbugan ‘yun.

Kaya ang daming nagku-comment na sana ay ma-extend pa rin ito na mapapanood pa rin hanggang next year.

Pero as of now, hanggang December na lang daw ito ayon sa kontrata ng GMA 7 sa Freemantle.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with