^

PSN Showbiz

SB19, nakikipagtapatan na sa K-Pop sa bentahan ng tickets!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
SB19, nakikipagtapatan na sa K-Pop sa bentahan ng tickets!

Naku, Ateng Salve, napa-wow talaga ako nang makakuwentuhan ko si Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc. dahil talagang hindi na nagpapahuli sa K-Pop groups ang P-Pop na SB19, huh!

Aba, in 15 minutes after na mag-open ang online tickets selling para sa WYAT Where You at Los Angeles show ng SB19, wiped out agad ang SVIP.

So, ‘yung WYAT (Where You At) Los Angeles show na ‘yon on November 12 ay siguradong maso-sold out.

Kayang-kaya ng SB19 na mapuno ang Avalon Hollywood dahil sa sob­rang kasikatan nila sa kasalukuyan.

So bongga!

Concert tour, kanselado dahil sa U.S visa

Feeling ko lang, dapat agahan na ng mga promoter ng US shows ang pag-a-apply ng working visa ng mga singer at star na kasama sa kanilang tour.

May chikang hindi na talaga matutuloy ang isang US concert tour dahil wala pa rin daw ang visa ng mga kasama roon.

Wala pa dahil hindi pa rin daw naiinterbyu ang stars na kasama roon.

Tsk... tsk... tsk...

Eh, ‘yung isa pang grupo, na-release na ba ang working visa ng mga kasama sa tour na ‘yon? Sana naman kasi na-delay na rin sila at nabawasan ang bilang ng shows nila, huh!

Dingdong at Bea tuloy ang biyahe sa L.A

Sa Thursday morning daw ang alis nina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz pa-Los Angeles, California para sa kanilang Together Again Pechanga Resort Casino two-night show ng GMA Pinoy TV.

Ready na ang mga Pinoy na susundo sa kanila sa Tom Bradley International Airport (LAX) sa pagdating nila roon on Thursday morning (15 hours behind ang California sa ‘Pinas).

Doon na sila imi-meet nina Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha (na magaling na raw).

Sa Thursday night naman daw ang alis ni Gary Valenciano papuntang LA.

Si Gary ay may US concert tour din, ang Gary V: Re-Energized kung saan ay guest ang anak niyang si Kiana Valenciano at kasama rin si Yeng Constantino (except for New York City show).

‘Yun na!

vuukle comment

K-POP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with