^

PSN Showbiz

Joshua, namangha kay George Clooney

SHOWBIZ NEW NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, namangha kay George Clooney
Joshua, George at mga katrabaho.

Kamakailan ay nakita nang personal ni Joshua Garcia ang Hollywood superstar na si George Clooney. Nangyari ang pagtatagpo ng dalawang aktor sa isang event sa Switzerland. “Thankful lang ako to be part of that Omega event. Ang saya ng tour kasi first time ko sa Switzerland. Naubos ang English ko. Naka-meet din ako ng actor from other country. Pagdating namin sa isang ballroom, doon kami pumuwesto kung saan siya namin nakikita na dadaan. Nasa harapan ko talaga siya,” nakangiting kwento ni Joshua.

Napamangha raw talaga ang binata nang malapitang nakita ang Hollywood actor. “Very inspiring siya no’ng nakita ko siya. Sabi ko, ‘gusto ko maging siya. Ang lakas kasi ng dating niya. Pagdating pa lang niya doon sa event, alam mo na may artista talaga na dumating. The way he handled himself sa stage, ang galing lang, may wow factor. Isa ako sa mga sinuwerte na makakita ng gano’n. Iba ang impact sa akin,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, masayang-masaya si Joshua dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Gabi-gabing napapanood si Joshua na gumaganap bilang isang pulis sa naturang serye. “Actually, kahit nasa Switzerland ako nakikita ko ang tweets ng mga tao at clips sa mga ipinapalabas namin. Sobrang thankful, grateful na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao sa amin. So sana magtuluy-tuloy po,” pagtatapos ng binata.

Inigo, napapanood na sa iba’t ibang panig ng mundo!

Napapanood na sa iba’t ibang panig ng mundo ang Fox series na Monarch kung saan kabilang si Inigo Pascual. Mapapanood ito ng mga tagahangang Pinoy sa pamamagitan ng iWantTFC.

Masayang-masaya ang aktor dahil unti-unti nang natutupad ang mga pinapangarap lamang noon. “It has always been my dream to do a Hollywood project and to be able to represent the country in a project like this. I’m extremely happy because my character in the series is Pinoy. I had to learn a Southern accent and I had to sing in country. I’ve been worrying about how it would be streamed in the Philippines. So I’m grateful for iWantTFC because they were able to find a way,” paglalahad ni Inigo.

Labis na kaligayahan din ang naramdaman ng mga kamag-anak ng aktor dahil sa pagkakaroon ng career sa Hollywood ni Inigo. Naging emosyonal ang binata nang unang napanood ang bagong serye. “It was surreal to be able to watch it with my family. Kasi nakita nila kung paano ako nagsimula from doing school plays and all that. It was nice to feel the support from the family from the time na nagsimula ako until now na nasa national TV na ako. It feels good, I never thought I would come to this point na to be able to do a project like this,” pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with