^

PSN Showbiz

Mariel Rodriguez-Padilla pumirma na ng kontrata sa AMBS2 ALLTV

Philstar.com
Mariel Rodriguez-Padilla pumirma na ng kontrata sa AMBS2 ALLTV
Makikita sa litrato ang aktres at TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla (pangalawa mula kaliwa) kasama sina Boy Abunda, Camille Villar at dating Sen. Manny Villar
Mula sa Instagram account ni Mariel Rodriguez-Padilla

MANILA, Philippines — Magiging bahagi na ng ALLTV Channel 2 ni dating Sen. Manny Villar — na kumuha sa frequencies ng ABS-CBN — ang aktres at TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla.

"The easiest decision I have ever made. I knew right away I wanted to be part of AllTV. Extremely grateful!!!!" wika ni Mariel, misis ni Sen. Robinhood Padilla, sa Instagram ngayong Huwebes.

"Thank you soo much AMBS for the trust. @camillevillarofficial @mannyvillar THANK YOU!!!"

Matatandaang inilipat sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni Villar ang mga dating frequencies ng ABS-CBN matapos hindi ma-renew ang legislative franchise ng huli. 

Ang AMBS ang nagmamay-ari at nag-ooperate ng ALLTV, na siyang unang eere sa ika-13 ng Setyembre 2022.

Makakasama ni Mariel sa Villar-owned network sina Toni Gonzaga-Soriano, Willie Revillame at Anthony Taberna sa ngayon.

"To my manager of almost 20 years Tito Boy maraming naraming salamat!!! To my husband, children and my whole family who have given me their blessings… thank you!" dagdag pa ng dating Kapamilya star.

"So excited for the infinite possibilities we can do together!!!!"

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibalitang pumirma ang AMBS ng content license agreement sa CNN Philippines para iere ang kanilang flagship news program na "News Night" sa ALLTV, na siyang pangungunahan ni CNN chief correspondent Pia Hontiveros. — James Relativo

vuukle comment

ABS-CBN

AMBS

MANNY VILLAR

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with