^

PSN Showbiz

Relasyon nina Heart at Chiz, pinanghihinayangan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Relasyon nina Heart at Chiz, pinanghihinayangan
Heart at Chiz
STAR/ File

Ayaw talagang tigilan ng issue sina Heart Evangelista at Chiz Escudero, Salve. Sayang na naging maganda naman ang simula ng dalawa pero ngayon parang sisirain sila ng issues.

Malaki rin ang naging sacrifice ni Heart dahil talagang ginive up niya ang lahat for Chiz. ­Naging mabait na partner naman si Chiz kaya wala ka ring maisusumbat.

Ang sayang talaga ang magandang simula ng samahan nila na mukha namang in love na in love sila sa isa’t isa. Sana maayos ang lahat, for better or worse, sana sila pa ring dalawa together para stronger. Fighting.

‘Mga maysakit, napapalapit sa diyos’

Sunday kahapon, Salve. At tulad ng dati dahil nasanay na ako kay Father Tito Caluag, sa TV mass na naman ako makikinig.

Matagal ko na talagang gusto na sa simbahan makinig ng misa, pero dahil sa catheter sa leeg ko, hindi muna ako nagpupunta ng simbahan at sa TV muna ako nakikinig ng misa. ‘Pag maysakit ka, you feel closer to God, parang sumbungan mo siya.

Sure akong pagpunta ko sa church magi­ging emotional ako, baka maiyak ako sa homily Salve. Kasi punung-puno ng gratitude ang puso ko. Puno ng pasasalamat na sa edad na 75, ito lang ang sakit na ­naging seryoso sa akin. Sunday, our day for the Lord, make it blessed. Bagyo man, magsimba tayo, dahil ang Linggo ay araw natin para sa ­Panginoon. Amen.

CHIZ

HEART

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with