^

PSN Showbiz

Direk Joel walang planong isuko ang prinsipyo, may producer na sa gagawing ‘martial law’ movie

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel walang planong isuko ang prinsipyo, may producer na sa gagawing �martial law� movie
Direk Joel Lamangan.

May nakuha na palang producer si direk Joel Lamangan para sa isang malaking pelikulang gagawin niya na tipong sagot sa Maid in Malacañang ni direk Darryl Yap.

Ayaw lang ibigay ni direk Joel ang buong detalye, dahil medyo matagal pa ito.

Seryoso siyang ituloy ito na kung saan isasalarawan naman niya ‘yung panahon ng Martial Law at maaaring pati ang sa EDSA Revolution na na­ging bahagi siya at nasaksihan daw niya lahat.

Maaaring nagtampo ang Viva kay direk Joel dahil sa mga sinabi niya noon tungkol sa Maid in Malacañang. “Kinompronta ako ni June Rufino dahil sa Maid in Malacañang. ‘Inaano mo ang Maid in Malacañang, hindi mo ba alam, sa Viva Films ‘yun?,” simulang kuwento sa amin ni direk Joel nang naka-lunch namin kamakailan lang.

“Wala akong sinabi against Viva. Ang sinabi ko lang, Maid in Malacañang. Sabi ko kay June Rufino, ‘Alam mo naman kung saan ako nanggaling. Hindi ko isusuko ang prinsipyo ko…Wala akong sinabi against Darryl Yap. Wala akong sinabi,” dagdag niyang kuwento.

May isa pang pelikulang nagawa si direk Joel para sa Vivamax, ang Girl Friday na matagal na raw niyang nagawa. Hindi niya alam kung kailan ang streaming nito, pero alam niyang bukod sa mga sinabi niya laban sa Maid in Malacañang ay nagtampo raw sa kanya si boss Vic del Rosario, dahil may ginawa siyang pelikula para sa AQ Prime Stream app.

Saad ni direk Joel: “Wala naman akong kontrata sa kanila. Wala akong exclusive contract. Bakit pipigilan ako kung saan ko gustong pumunta?

“Huwag na silang magselos! Matanda na ako! Sinabi ba naman ni June Rufino, ‘Oy! Nakalimutan mo bang sa akin ka nag-umpisa?’

“Sabi ko naman, ‘Aba, hindi! Hindi ko makakalimutan! Hindi ko naman itinatanggi kahit kailan!’

“Ibig ba niyang sabihin, sa buong buhay ko, hindi na ako tatanggap ng iba na kalaban ninyo?

“Sinasabi ko, wala naman akong kontrata. Wala naman akong exclusive contract sa inyo, bakit babawalan akong gumawa sa iba?

“Itong tanda ko nang ito, kailangan n’yo pa akong iganyan-ganyan?”

Tuluy-tuloy pa rin naman ang trabaho ni direk Joel, at sunud-sunod pa rin ang offers sa kanya.

Sa kanya nga namin nalaman na meron pa palang bagong streaming app na ilu-launch.

Amigo raw ang pangalan ng bagong streaming app na ito at kinausap na raw siya ng producer nito dahil gusto nilang gumawa si direk ng pelikula sa kanila.

Billy, nangapa sa pagkilala sa Kapuso stars

Bukas na magsisimula ang The Wall Philippines sa GMA 7, na hudyat na rin ng pagbabalik-Kapuso ni Billy Crawford.

Sobrang excited si Billy sa programa niyang ito sa Kapuso network lalo na’t mga bagong Kapuso stars na ang katrabaho niya. Medyo nanibago nga raw siya dahil karamihan sa Kapuso stars na naglaro ay doon pa lang niya nakilala.

“Iba-iba ‘yung emosyon na nakuha ko sa kanila,” bulalas ni Billy.

“Kaya may pagkakataon na nangangapa ako para kilalanin sila. Pero ‘yun ang maganda sa show na ‘to e. The true colors of the artista talaga e ay lalabas at lalabas. Kasi, more than P10 million na ang pinag-uusapan natin dito. Magpapeke pa ba tayo or what?

“’Yung totoong-totoo, lahat sila ay equally interesting and equally saya to be with,” dagdag niyang pahayag.

Pero sino sa Kapuso stars na talagang nagmarka sa kanya? “Si Miguel Tanfelix. Ewan ko ‘yung batang ‘yun, may something e. May something ang batang ‘yan. Gusto ko malaman. Basta panoorin n’yo na lang ‘yung episode niya.

“At siguro ‘yung kay Sanya (Lopez). Kasi ‘yung pasensya nung batang ‘yun ay talagang saludo ako sa kanya. Alam ni Sir Jay Montelibano kung ano ‘yung sinasabi ko,” napapangiti niyang pahayag.

Ate Vi, sobra ang tuwa na babae ang unang apo

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang talagang pinakamasaya nang magkaroon ng gender reveal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na inilabas sa kanilang YouTube channel.

Ang saya ng mag-asawa nang na-reveal na girl ang kanilang magiging first baby.

Tama ngang si Ate Vi ang pinaka-excited sa lahat. “’Di ba dalawang lalaki anak ko!! Lucky/Ryan…wala akong girl…now meron ng GIRL!! (smile emoji),” text niya sa akin.

 

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with