^

PSN Showbiz

Samahan ng mga entertainment editor, naghalal ng bagong pangulo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Samahan ng mga entertainment editor, naghalal ng bagong pangulo

Pormal nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pag-upo ng bago nitong pangulong si Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal.

Siya ang pumalit sa pwesto ng dating pangulo ng SPEEd na si Ian Fariñas, entertainment editor ng People’s Tonight at Taliba na limang taon ding nagsilbi bilang presidente ng grupo.

Nagsimula ang SPEEd bilang isang social club ng mga entertainment editor mula sa iba’t ibang national broadsheet at ng mga nangungunang tabloid sa Pilipinas.

Naging opisyal ang pagkakabuo ng grupo dahil na rin sa kagustuhan at pagpupursige ni Eugene at ng president emeritus ng grupo, ang yumaong entertainment editor ng Manila Standard na si Isah Red, na makatulong na magbigay ng inspirasyon sa mga taga-industriya ng pelikula.

Nito ngang nakaraang linggo, ipinasa ni Ian ang kanyang posisyon kay ­Eugene upang ipagpatuloy ang mga nasimulang adhikain at mga makabuluhang proyekto ng organisasyon sa pangunguna ng The Eddys.

Kabilang na nga rito ang pagtulong at pagsuporta sa movie industry pati na rin sa lahat ng mga indibidwal at grupo na walang sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-industriya.

Nagsimula ang karera ng bagong pangulo ng SPEEd sa pamamahayag noong dekada ‘80 bilang writer sa Kislap, Liwayway, Jingle Extra Hot at Orig Magazine kung saan una siyang naging editor taong 1982.

Mula 1990 hanggang sa kasalukuyan ay nagsisilbi siyang editor ng entertainment section ng People’s Journal.

Bukod sa pagsusulat, nagdirek din si Eugene ng ilang pelikula at naging host din noon ng mga showbiz-oriented TV shows tulad ng Channel S at Movie Magazine na umere noon sa GMA Network.

Isa sa mga nasa top priority ngayon ng bagong SPEEd president ay ang 5th edition ng The Eddys o The Entertainment Editors’ Choice Movie Awards na nakatakdang maganap sa darating na Nobyembre.

Samantala, ang iba pang opisyal ng SPEEd ay ang mga sumusunod: Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Vice President External; Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa), Vice President-Internal; Maricris Nicasio (Hataw), Secretary; Gie Trillana (Malaya Business Insight), Asst. Secretary; Dondon Sermino (Abante), Treasurer; Dinah Ventura (Daily Tribune), Asst. Treasurer; Nickie Wang (The Manila Standard) at Ervin Santiago (Bandera) PRO; at Nestor Cuartero (Tempo), director at advisor.

Magsisilbi ring director si Ian Fariñas.

Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Rito Asilo (Inquirer), Jerry Olea (Philippine Entertainment Portal), Rohn Romulo (People’s Balita), at Neil Ramos (Tempo).

SPEED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with