^

PSN Showbiz

Juday, natutong makisama kay FPJ

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday, natutong makisama kay FPJ
Juday at FPJ.

Ngayong araw ay gugunitain ng pamilya ni Senator Grace Poe-Llamanzares ang kaarawan ng amang si Fernando Poe, Jr.

Matatandaang namayapa ang Hari ng Pelikulang Pilipino noong Disyembre 2004.

Isa si Judy Ann Santos sa mga artistang mapapalad dahil nabigyan ng pagkakataong makatrabaho si FPJ noon sa pelikulang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko.

Ayon kay Juday ay talagang marami siyang natutunan sa trabaho mula sa aktor. “Kay Tatay Ron ko natutunan ang pakikitungo at pakikisama sa lahat ng katrabaho sa production. Siya ang nagsabi sa ‘kin na walang maliit o malaking tao sa pagbuo ng pelikula o produksyon. Bawat taong nakikita mo sa bawat pagpasok mo sa trabaho, sila ang dahilan kung bakit nandito tayo. Ang respetong ibibigay mo sa boss mo, ‘yon din ang respeto at pag-alaga na ibibigay mo sa mga katrabaho mo,” pagbabahagi ni Judy Ann.

Isang malaking karangalan para sa Young Superstar na makatrabaho ang tinaguriang Da King.

Nakilala ni Juday ang napakabuting pagkatao ni FPJ habang ginagawa ang kanilang pelikula. “Tumatak sa akin ‘yon, kasi nakita ko kay FPJ kung anong ibig niyang sabihin. Kaya wala siyang yabang sa katawan. Kasi alam niya kung paano makitungo nang tama at magtrabaho nang maayos at professional nang walang taong tinatapakan. Kaya napakara­ming nagmahal sa kanya hanggang ngayon,” nakangi­ting pahayag ng aktres.

Mapapanood bukas ng 2:00 p.m. ang FPJ da King: Isusumbong Kita Sa Tatay ko sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Pamilya ni Jane, naranasang magnakaw ng manok para may maiulam

Mahirap ang naging pamumuhay ni Jane de Leon noon bago pasukin ang mundo ng show business.

Nagbago umano ang takbo ng buhay ng pamilya ng aktres nang lokohin ng isang kaibigan ang kanyang ama sa negosyo. “Wala talaga kaming makain. Asin na lang po talaga ‘yung kinakain namin. Kasi walang-wala po talaga ka­ming pera. Nawalan ng trabaho si papa, si mama po ang nagtatrabaho para sa amin. Naging househusband si Papa. Minsan kapag walang-wala kami, sweldo ni mama hindi naman enough sa amin. ‘Yung kinakain na lang naming asin, tapos toyo na may mantika,” kwento ni Jane sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Naranasan pa raw ni Jane na manghuli ng manok ng kapitbahay upang mayroon silang maiulam noon. “Sobrang wala po talaga kaming pera, ‘yung manok ng kapitbahay namin pumasok sa bahay. Kinuha ng tatay ko, kinatay niya. Totoo po, ginawa niyang adobo. Gano’n po kami kadesperado na makakain no’ng araw na ‘yon. Hindi rin po namin alam kung saan galing ‘yung manok. Siguro biyaya na lang ng Panginoong Diyos ‘yon na makatawid kami sa gutom,” pagdedetalye ng dalaga.

Pumanaw na ang ama ni Jane kaya hindi na nasaksihan ang tagumpay na tinatamasa ng aktres ngayon. “Kung nandito si Papa talaga, kung ano man ang nangyari since no’ng bata siya pati ‘yung naloko siya. Gusto ko po palitan lahat ‘yon. Kaso wala na po si papa. Ang hirap kasi gusto ko bumawi sa kanya, sobra,” emosyonal na pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with