^

PSN Showbiz

Lumang kanta ni Sarah, nakasama sa listahan ng pinakamalaking KPOP voting site!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lumang kanta ni Sarah, nakasama sa listahan ng pinakamalaking KPOP voting site!
Sarah G.

Proud na proud ang Popsters, ang grupo ng fans ni Sarah Geronimo.

Ito ay dahil nakasama pala ang kantang Duyan ni Sarah sa listahan ng Hot 50 World Songs August 2022 sa KingChoice, ang pinakamalaking international KPOP voting site.

Partida pa nga naman na hindi active sa social media si Sarah sa kasalukuyan at ang tagal na ng kantang ito ng Pop Royalty, 2018 pa, na kasama sa kanyang This 15 Me album (celebration ng 15th anniversary niya sa showbiz).

Inactive si Sarah sa kanyang acting career sa kasalukuyan pero sunud-sunod naman ang mga endorsement niya at ang latest ay pinagsama sila for the first time ng mobile brand na TNT ng YouTube star na si Mimiyuuuh para sa isang music video collab.

At kung ang mister niyang si Matteo Guidicelli ay Kapuso na, itinanggi ng GMA executive ang kumalat na may offer sila sa Popstar Royalty.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with