^

PSN Showbiz

Liza at Ice may sariling production company na, mag-iipon muna bago mag-baby

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Liza at Ice may sariling production company na, mag-iipon muna bago mag-baby
Ice at Liza.

Proud wife ang peg ni former Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño sa kanyang mister na si Ice Seguerra na full-fledged director na. Kasi hindi lang pala siya basta assistant / co-director, siya talaga ang director. “Ice was 2nd unit director and directed all the werk­room episodes for the main show of #DragRacePH. And then as the main director of DragRacePH Untucked series (ito ‘yung behind the scenes drama sa labas ng runway), which will premiere tom Friday on Discovery+ and HBO Go,” banggit ni Ms. Liza sa isang chat message.

Kaya naman abala rin si Ms. Liza sa pag-iinvite para panoorin ito. “I feel nothing but pride as you embrace this new path as a director. Grabe ka rin magpasabog. Directorial debut mo pa lang eh global na, tapos reality series pa. To top it all off, paborito pa nating show. Waaaah! ,” bahagi naman post ni Ms. Liza bilang papuri sa asawa.

“I remember when you told us about this amazing news, sigaw tayo ng sigaw sa loob ng van with Amara pero di natin mashare sa iba so ang hirap. Haha!,” dagdag niya sa kanyang post.

“My love, first two episodes pa lang, kita ang hard work ng werkroom team because it was there where the most beautiful and touching moments in #dragracePH were caught on camera. Kung wala ka para sumalo sa mga moments na yun, together with your team, di namin mararamdaman ang pagkapinoy ng series na ‘to kasi nandun yung mga drama-rama sa hapon na eksena.,” aniya pa.

Nai-share rin ni Liza na tuloy na ang kanilang production company at nakuha na nila ang kanilang business permit. Fire and Ice Media Productions ang pangalan ng kumpanya nila ni Direk Ice.

Nauna nang nabanggit ni Ms. Liza na bukod sa direc­ting, gusto rin nilang maging filmmaker. “Right now nagdidirek siya ng events, pero we also want to be a filmmaker. And I want to be able to support him kasi when nasa FDCP ako, ang hirap kasi, ‘di ba, hindi ko fully magawa ‘yon for him kasi ayokong isipin ng tao na I’m taking advantage of my position, so siguro right now at least I can help him. I can help him fulfill it kung gusto naman niya sa sarili niyang gawin.”

Pero ayaw niyang magsalita sa plano nilang magkaanak. “Ayoko magsalita about that but… kasi siyempre we have to be financially sound as well. So darating ‘yon, siguro ngayon siyempre ang hirap, pareho kaming… like ako wala akong ngayong work. Mag-uumpisa pa lang kami ng company, tapos si Ice… parang bumabalik pa lang ngayon ‘yung live events, ‘yung mga projects niya. So siguro I want us to make sure muna na we’re financially ok, and then those can happen,” dagdag pa ni Ms. Liza nang makausap namin recently.

Congratulations, Direk Ice.

Aktres, nalagasan ng endorsement

Nawalan pala ng endorsement ang isang actress ayon sa isang malapit dito.

Nagulat daw sila na hindi na ito ni-renew ng nasabing brand.

Nanghihinayang daw ang ilang malalapit sa actress pero hindi naman puwedeng sila ang maghabol.

Lately ay hindi lang ang nasabing actress ang nawalan ng endorsement. May iba pang celebrity.

Nabawasan daw ang impact ng iba dahil marami na ring competitor kasama na ang ibang influencer na bukod sa mas mababa ang talent fee, mas masipag daw mag-promote.

Ngayon daw kasi nagbibilang na ang mga brand kung ilang beses nag-post ang kanilang mga endorser.

ICE SEGUERRA

LIZA DIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with