^

PSN Showbiz

Vice at Ion, first time naghiwalay nang matagal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice at Ion, first time naghiwalay nang matagal!
Ion at Vice.

Masayang-masaya si Vice Ganda dahil muling nakasama ang kasintahang si Ion Perez.

Kababalik pa lamang ni Ion mula sa Japan dahil nagbakasyon na kasama ang pamilya. Si Vice naman ay sa Bohol nagbakasyon na kasama rin ang pamilya. “I’m celebrating dahil bumalik na si Ion from Japan. Alam mo umiiyak na nga ako sa gabi. Magmula kasi noong pandemic, nagsama kami sa bahay. Tapos hindi na kami nagkaroon ng time na maghiwalay nang matagal. Pinakamatagal naming hiwalay three days. Kunyari meron akong raket, siya pupunta ng Tarlac. Pero ‘yung six straight days, alam naming malayo, first time ‘yon,” nakangiting pahayag ni Vice.

Binigyang-linaw rin ng komedyante ang isyu tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Ion.

Kamakailan ay napabalitang magkahiwalay na diumano ang magkasintahan.

Matatandaang taong 2019 nang unang aminin sa publiko ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang relasyon. “We missed each other. Balance, bala-balanse time with our families and then back in each other’s arms, gano’n. Gumagawa ng mga ano (isyu), hiwalay na daw kami ni Ion. Itong mga damonyong ‘to, hoy! Mga damonyo! Pero masaya kami rito. Masaya kaming magjojowa kaya ‘wag kayong ano, mga damomyo kayo,” natatawang paglalahad ng It’s Showtime host.

Coco, ayaw pang PAG-meetingan ang susunod na trabaho

Maraming manonood ang nalungkot dahil sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbidahan ni Coco Martin noong nakaraang Biyernes.

Mayroong mga humihiling na dapat ay magkaroon ng book 2 ang teleseryeng napanood sa loob ng pitong taon. Ayon naman ay Coco ay hindi pa rin niya alam kung ano ang magiging desisyon ng pamunuan ng ABS-CBN tungkol dito. “Honestly, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss eh, or pag-usapan or pag-meeting-an. Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, meron pa kaming US tour. Saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next. Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin ‘yon. Pero para sa akin, management ang magdedesisyon. Basta kung ano sa alam ko ‘yung nakapagpapasaya sa mga manonood,” pagtatapat ni Coco.

Talagang nag-trending ang pagwawakas ng serye dahil sa naging magandang takbo ng istorya at mensahe nito para sa mga manonood.

Para kay Coco ay talagang pinagsumikapan ng kanilang buong grupo na makapagbigay ng siguradong tatatak sa isipan ng mga tagahanga ng programa. “Pinag-aralan talaga namin. Kasi sabi nga namin, hindi namin sila bibigyan ng ordinary show na alam mo na ang mangyayari. Kasi ‘di ba kadalasan ‘pag gumagawa tayo ng mga soap opera, alam naman natin ‘yung gusto natin lagi ng masaya. Laging happy ending,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with