^

PSN Showbiz

‘Nakakalutang ng utak ang mga gamot’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âNakakalutang ng utak ang mga gamotâ
Lolit Solis.

Ewan ko ba kung epekto ng gamot ‘yung parang lutang ang utak ko.

Parang paggising ko hindi ko alam ang araw at oras.

Parang walang laman ang ulo ko, at parang bangag talaga ang pakiramdam ko as if alam ko talaga ang pakiramdam ng isang bangag.

Naiiyak na nga ako kung minsan dahil parang unfair na ganito ang sitwasyon ko.

Kundi sa pagsusulat ko sa Instagram at column ko rito sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, baka kung ano na namang maisipan kong gawin.

Alam n’yo naman, may pagka-criminal mind ako.

Joke joke. Hah hah hah.

Pero talagang big help mentally sa akin ang pagsusulat dahil talagang kahit paano na-activate nang konti ang utak ko.

Ang hirap talaga ‘pag dati kang physically active tapos bigla kang mag-slow down dahil nga meron kang sakit.

Naku, dapat gumaling na ako or else...

Alam n’yo namang Lolit Kulit ang aking hashtag kaya lagot kayo, Salve, Gorgy.

Pero dahil kina Eric Cham, Avec Amarillo at Anna Mae Lementillo feeling powerful pa rin ako kahit grabe ang struggle ko ngayon.

Kasi akala ng iba dahil maysakit ako, wala na akong puwedeng gawin. Or akala nila very submissive na ako at wala nang lakas para makipag-away.

No way, hanggang puwede akong lumaban talagang fight ako, never akong papaapi kahit pa sabi­hing mas matataba sila sa akin.

Bakit ba, fight to death kung gusto nila noh, walang urungan.

Mga duwag nga sila na ang tapang porke akala nila invalid na ako at ‘di na ako makaka-recover.

Hahahaha.

Belat n’yo.

Basta ang iniisip, happy na rin ako in a way dahil nagkaroon ako ng rebelde day nang pumunta ako sa Bambbi Fuentes Salon.

Talagang gusto ko nang ibalik sa dati ang mga ginagawa ko, mag-lunch kasama sina Cris Roque at Leo Espinosa.

Gusto ko na ulit rumampa. Hitsura meron akong catheter, hah hah.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with