^

PSN Showbiz

Susunod sa Maid... Ruffa, gagawin ang life story ni Madam Imelda Marcos?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Susunod sa Maid... Ruffa, gagawin ang life story ni Madam Imelda Marcos?!
Annabelle, Boss Vic, Ruffa, at Veronique del Rosario.

Nasa Viva na si Ruffa Gutierez.

Kahapon nga ay pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Ms. Veronique del Rosario.

Kasabay nito ang isang online media conference.

Since 1980’s aminado si Ruffa na malapit na siya sa pamilya nila Boss Vic del Rosario bagama’t mas nauna siyang nagkaroon ng kontrata noon kay Ms. Donna Villa pagkabalik nila galing Amerika. Pero marami siyang nagawang pelikula sa Viva kahit noon pa.

In all fairness, kay Ruffa, talagang hindi siya nawalan ng career since then.

At ang sekreto niya, “Just be real, working hard, don’t ever burn bridges. Napakaliit lang talaga ng industriya. ‘Yung nakatrabaho mo twenty years ago. Andyan pa rin, mga boss na ngayon,” sabi niya kahapon.

Wala rin sa kanyang problema kung may mga basher siya.

Nanatili nga siyang controversial kahit na ang rami na ngayong nagdadatingang ibang artista at habang ang iba naman ay nawala na kaya kaliwa’t kanan din ang bashers niya.

“Ang pagiging kontrobersyal naman ay hindi ginagawa,” aniya. “Kasi, kundi ka na pinag-uusapan sa showbiz, ibig sabihin laos ka na,” sabi pa  niya.

“I’ve been in the industry for 36 years and all the major superstars around the world may mga basher. Kaya hindi na dapat natin sila iniintindi and  ‘yung mga naninira kasi you’ll never be able to change their minds,” ayon pa kay Ruffa. 

 “Some people love you, some people won’t like you. Some people always change their minds about you. Ang importante you just remain true to yourself.”

Kaya nga para sa kanya, kailangan mo rin laging nire-reinvent ang sarili.

Anyway, nagbigay ng hint si Ruffa na marami siyang gagawin sa Viva at malamang na kasali rito ang solo movie, na life story ni former first lady Imelda Marcos.

At malaking factor ang malaking kinita ng Maid in Malacañang sa nasabing kontrata niya sa Viva.

Samantala, kung may gusto mang gawing role si Ruffa na ‘di pa niya nagagawa ay ang local adaptation ng Korean drama.

RUFFA GUTIEREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with