^

PSN Showbiz

Lolong, nadagdagan ng mga character

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolong, nadagdagan ng mga character
Ruru Madrid.

Nag-umpisa na last Monday ang bagong chapter sa adventure-serye ng GMA 7 na Lolong.

At para magbigay ng karagdagang kulay sa character ni Ruru Madrid, napapanood na rin dito sina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell, Lucho Ayala among others. Magkakaroon sila ng important roles sa buhay ni Lolong.

Ipinagmamalaki ni Ruru na patuloy na dumarami ang manonood dito at sa ibang bansa ng Lolong. “I’m just grateful kasi alam kong binuhos naming lahat para sa programa. Bukod sa entertainment, nakakapagbigay kami ng aral at inspirasyon. Sobrang sarap sa loob kasi alam namin na lahat ng pinaghirapan namin nagbunga na,” aniya.

“Hopefully, patuloy n’yo kaming suportahan. Lalaban na po ang mga buwaya. Gaganti na po ang tribong inapi. Simula na po ng bagong digmaan para sa katarungan at para sa kapangyarihan at ito na po ang bagong yugto ng Lolong.”

Ayon naman kay Vin na bagong sali bilang Kapuso : “I’ve never prepared for a show like this. I’m truly happy [to be part of Lolong] kasi nakita ko ‘yung work na binuhos namin nung ginagawa ang Lolong noon, nakikita ko ngayon ‘yung resulta na finally lumalabas na.”

Gagampanan niya si Diego, na galing din Atubaw tribe – people who share a long history with crocodiles.

Sa kasamaang palad, ang tribo ay minasaker ilan taon na ang nakalilipas. Pinamumunuan na ngayon ni Diego ang natitirang mga Atubaw, na kinabibilangan ni Celia - isang buntis na Atubaw na ginampanan ni Thea.

Dapat ding abangan ang auntie ni Lolong na gagampanan ni Alma. “There are so many projects that will come and go but only a few are unforgettable. Lolong is one of these projects I’m really proud of,” says Alma.

 

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with