^

PSN Showbiz

Dimples, suportado ang plebisito sa Calaca

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dimples, suportado ang plebisito sa Calaca
Dimples ­Romana.

Isa ang Kapamilya actress na si Dimples ­Romana ang maituturing na adopted daughter ng Calaca, Batangas.

Katunayan, meron siyang maipagmamalaking farm sa nasabing bayan.

Kaya naman bilang isang mamamayang Calaqueño, suportado niya ang idaraos na plebisito na gaganapin sa Setyembre 3, 2022 sa naturang bayan para sa ratipikasyon ng batas na nagtatakda ng pagiging isang masasabing component city ng Bayan ng Calaca,  Batangas.

Ang hakbang na ito ay batay sa COMELEC Resolution No. 10799.

Matatandaang noong ika-26 ng Mayo, 2021 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Republic Act No. 11544 na may titulong An Act Converting the Municipality of Calaca in the Province of Batangas into a component city to be known as the City of Calaca.

Ang adhikaing ito diumano ay sinimulan ng dating Mayor Sofronio Manuel “Boogle” C. Ona at ipinagpatuloy naman sa panahon ng pamumuno ni Mayor Sofronio ‘Nas” C. Ona, Jr.

Ang pagiging isang siyudad ay nangangahulugan ng higit na kaunlaran at pag-angat ng buhay at kabuhayan ng bawat mamamayan.

Kaya naman handang-handa na raw ang Lokal na Pamahalaang sa kampanya nito para sa pagiging ganap na lungsod ng Bayan ng Calaca.

Mula Agosto 04 hanggang Setyembre 01, 2022, nagkakaroon na diumano na ng mga pagpupulong sa mga barangay upang maihatid ang tamang impormasyon at upang higit na maipaunawa sa lahat ang kahalagahan ng pakikibahagi sa plebisito.

Ibig sabihin nito rin, nasa mabuting lugar sa investment ni Dimples at marunong siyang mamili. Dahil mas lalong tataas ang value ng kanyang property naging syudad na ito.

Isa nga si Dimples sa mga artistang nailagay sa tama ang kanyang mga kinita.

Bukod sa property sa Calaca, nakapagpatayo rin ito ng building at nagpapa-aral ng anak na nagpipiloto sa Australia.

DIMPLES ­ROMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with