^

PSN Showbiz

Jane, nawalan ng oras sa lovelife at mga alagang pusa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, nawalan ng oras sa lovelife at mga alagang pusa
Jane de Leon.

Simula noong Lunes ay pinag-uusapan na ang mga eksena sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Ayon sa aktres ay naging sulit naman ang lahat ng kanilang mga pinaghirapan sa serye dahil sa magandang feedback ng mga manonood. “Sobrang worth it po talaga. I’ve been through a lot po para lang po sa project na ito. May mga clips na napapanood po ako sa Darna, natatanggal po ang pagod ko. Marami kaming ipapakita sa inyong lahat lalo na ang fight scenes, ‘yung mga bagong character,” bungad ni Jane.

Para sa dalaga ay dapat pakaabangan ang bawat eksena sa bagong serye ng Kapamilya Channel. “Sobrang excited po ako na ipakita sa inyo lahat nang pinaghirapan ng JRB Production, ang Team Darna, mapa-artista, staff, at production. Marami po kaming isi-share sa inyo na bagong istorya, bagong costumes, bagong stunts and of course, effects. But kami siyempre ay ibinibigay lang namin ang best namin sa inyo,” dagdag ng aktres.

Samantala, sa ngayon ay walang kasintahan si Jane. Hindi pa raw mapagtuunan ng panahon ng aktres ang buhay pag-ibig dahil sa rami ng trabahong ginagawa. “Naku! Wala na po akong time sa love life. Wala na nga po akong time sa mga pusa ko eh. Pero if may darating, why not? I am really open naman sa ganyan, if may magpaparam­dam. Basta hindi lang po talaga makakaapekto sa sarili ko at sa trabaho ko. Iba kasi talaga akong magmahal,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

John umaming bumagsak ang career sa break-up nila ni Heart

Taong 1992 nang magsimula sa show business si John Prats. Ayon sa dating child star ay hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan sa loob ng tatlong dekada.

Naramdaman umano ni John ang kanyang kasikatan noong 1999 dahil nang gawin ang programang G-Mik kung saan nakatambal si Heart Evangelista. “No’ng nag-start ‘yung G-Mik, doon ko na naramdaman ‘yung fame. Ang swerte ko na naabutan ko no’ng artista ako na walang cell phone, walang social media. Because ‘yung difference noon at ngayon, mas sabik ‘yung fans,” paglalahad ni John.

Naging magkasintahan sina John at Heart noon kaya naman mas lalong tinangkilik ng mga tagahanga ang kanilang tambalan.

Aminado ang aktor na talagang naapektuhan ang kanyang career noong nagkahiwalay sila ng aktres. “Dumating ‘yung John and Heart era. Ibang level naman sa buhay ko kasi natapos ako sa banda at pagsasayaw. After that era, ‘yon na ‘yung time na sobrang I felt na bu­magsak ‘yung career ko, no’ng naghiwalay kami ni Heart. Ang show ko na lang no’ng time na ‘yon is ASAP and ASAP Fanatic. Sobrang liit na ng talent fee ko. Once a week na lang ako nakikita and nagtatrabaho,” kwento ng aktor.

Lalong ikinalungkot ni John noon ang tuluy-tuloy namang pagsikat ni Heart pagkatapos ng kanilang hiwalayan. “Kasi nakikita mo ‘yung dating love team mo na ang ganda ng career. Tapos ikaw feeling mo walang plano sa ‘yo. Anong gagawin ko to reinvent myself? After PBB Pinoy Big Brother, 2012, doon ako nagkaroon ng second chance sa career ko. Kinuha na ako ng Bituing Walang Ningning, nagkaroon ako ng Manay Po na movie. Nagsunud-sunod ulit ‘yung projects ko hanggang Banana Sundae. Blessed ako kasi hindi ako nawala. Until nagkaroon ako ng family. Sobra ‘yung journey,” nakangiting kwento niya (Reports from JCC)

 

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with