^

PSN Showbiz

MVP at KBP, walang nakikitang monopolyo sa ABS-CBN at TV5 partnership

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
MVP at KBP, walang nakikitang monopolyo sa ABS-CBN at TV5 partnership

Lunas ang investment deal ng ABS-CBN at TV5 sa monopolyo sa TV industry, ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). “I’d like to believe that on the contrary, this is even an antidote to monopoly because in the present situation, there seems to be a so-called monopoly because we know that there is one TV network that seems to dominate the TV broadcast industry,” pahayag ni KBP president Herman Basbaño.

Mismong si Mr. Manny Pangilinan, chairman ng MediaQuest na nagmamay-ari ng TV5, ay aminadong maliit na player sa TV industry ang TV5 kaya hindi niya nakikitang may monopolyo sa partnership deal nila sa ABS-CBN. “We’re nowhere near GMA. May mga bumabatikos. Maliit pa ang TV5. I don’t know why people think it’s a major media organization,” sabi ni MVP na inulat sa isang website.

Samantala, nagsalita din si Rep. Gus Tambunting, chairman ng House Committee on Legislative Franchise.

Aniya, simpleng business transaction lamang ang partnership deal ng ABS-CBN at TV5. “In my opinion, this is just a simple business transaction wherein there is one company with a free channel and franchise, while another company formerly had a franchise and formerly featured good content,” sabi ni Tambunting.

Wala rin umanong basehan ang Philippine Competition Commission (PCC) na sabihing may monopolyong magaganap dahil sa sanib-pwersa ng Kapatid at Kapamilya, ani Infrawatch PH convenor Terry Ridon. “We don’t see any basis for PCC to strike the deal, as this does not involve a transaction, which will reduce or limit competition. In fact, when ABS-CBN lost its franchise in 2020, it ceased to be the dominant player. TV5 has not yet attained that dominant status in the same sector,” kwento ni Ridon.

Kaya’t klaro nga namang walang magaganap na monopoly.

Ang sure na mangyayari ay ang pagsigla ng industriya dahil sa healthy competition na magiging resulta ng partnership ng Kapamilya at Kapatid.

Mas mabubuhay ang dugo ng ibang network na magpasikat at maghandog ng mas magagandang programa sa publiko na tiyak na bubuhay din sa lumaylay na interes ng marami sa panonood ng TV.

Last August 11 nang inanunsyo ng ABS-CBN at TV5 ang pagpapatupad ng Investment Agreement na magpapahintulot sa ABS-CBN na makakuha ng 6, 459, 393 primary common shares sa TV5 na kumakatawan sa 34.99 % ng total voting and outstanding capital stock of TV5 for an aggregate subscription price of P2.16Bn.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with