^

PSN Showbiz

‘Ayoko nang mag-feeling weak at may sakit’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âAyoko nang mag-feeling weak at may sakitâ

Talagang umiral ang pagiging retarded ko noong Linggo kaya nagpahatid ako sa Bambbi Fuentes Salon.

Nagpagupit at nagpa-treatment ako ng buhok bilang ingat na ingat akong maligo dahil sa bawal na bawal mabasa ang aking ­catheter sa leeg.

Kaya hitsura ngang may ­catheter ako, parang lutang ang utak dahil yata sa gamot at dialysis ko, basta, gusto kong gawin iyon normal na ginagawa ko kaya go talaga ako sa salon ni Bambbi sa Timog.

Nagkataon pang andun ang mga alaga ni Bambbi na bida sa pelikulang sinulat niya na, Sugat sa Dugo, na ang sabi ay ipalalabas na sa mga sinehan kaya may mga nag-interview sa kanila.

Ayoko nang mag-feeling weak at maysakit, o kaya nakaburo sa bahay.

Bahala na.

Nakakainis nga pag naririnig ko na meron four, five, six years ng nagda-dialysis kasi ibig sabihin hindi ka gagaling kahit ilang taon mo na itong ginagawa?

Naku, kesa ma-torture na naman ang mga doktor ko, mag-pretend na lang ako na walang sakit, walang nararamdaman, na very healthy at very fit.

Kaya go ako sa salon ni Bambbi Fuentes, pagupit buhok, pa-treatment kaya feeling ganda na naman.

Rampa lang ng konti, talagang naiiyak na ako sa pag nasa bahay lang, gusto ko naman ibang scenery.

Marian, mas bata pa rin ang hitsura kesa kay Bea

Nakita ko na naman sa TV si Lola Bea Alonzo.

At napansin ko na bakit mas mukhang bata si ­Marian Rivera na dalawa na ang anak, kesa kay Lola Bea Alonzo na wala pa.

Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit na-ghosting ni Gerald Anderson at pinili ang mas batang si Julia Barretto?

 Imagine, dalaga pa, wala pang anak, mukhang Lola na agad si Bea, ‘di lalo na pag nag-asawa at anak, magiging Super Lola Bea na siya.

OMG, ayoko noh, ayaw ni Gerald. Hah hah, joke joke, huwag magalit lalo dagdag wrinkles hah hah, love you Bea Binene, hah hah.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with