^

PSN Showbiz

OOTD ni Marian sa kanyang birthday, mahigit p2 million!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
OOTD ni Marian sa kanyang birthday, mahigit p2 million!
Marian
STAR/ File

Naglabas ng resibo ang ibang followers ni ­Marian Rivera sa kanyang OOTD – sa 38th birthday celebration ng actress last weekend na ginanap sa Palacio de Memoria.

At ang computation nila, more than P2 million.

Sa dress pa lang pala, off-the-shoulder floral silk babydoll dress, Giambattista Valli (Paris),  almost P200,000 na ito.

Na twinning pa sila ni Zia.

Plus her maxi bow pink mules.

At ang kanyang mga alahas, Pomellato (The first global luxury Italian fashion fine jeweler, unconventional, colorful. The New Precious) ayon sa Instagram account ng nasa­bing brand ng alahas.

Kaya sa necklace pa lang, more than P1 million na ang presyo. Plus the earrings and ring na almost P400,000.

Just wow.

Kilala namang mahilig sa flowers si Marian kaya bukod sa floral dress, ang dami ring bulaklak sa kanyang birthday party.

Sana nga, makarampa rin si Marian sa mga fashion week sa Paris. Kasi tiyak na gagawa rin siya ng bonggang eksena ‘pag nagkataon.

OOTD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with