^

PSN Showbiz

Ogie nahagip din ng virus, kabataang babalik sa eskuwelahan dumagsa sa mall

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie nahagip din ng virus, kabataang babalik sa eskuwelahan dumagsa sa mall
Ogie
STAR/ File

Iba talaga ang virus ngayon. Kung noong walang vaccine ay hindi nahawa si Ogie Alcasid, nahagip siya ng COVID-19 kahit may booster pa. “After two and a half years since the lockdown, today Aug 14 2022, inabot din. Let’s do this Lord...,” aniya sa kanyang post na ang picture ay ang resulta ng Antigen test na dalawa ang guhit.

Sa bahay lang naman siya naka-quarantine sa kasalukuyan at walang nabanggit si Ogie kung may mga sintomas siya.

Makikita kasing sinisilip siya ng anak nila ni Regine Velasquez na si Nate habang kumakaway ito sa glass door nila.

Hindi mo naman sasabihing ‘di nag-ingat si Ogie.

Agad namang nagdagsaan ang ‘feel better soon’ messages sa kanyang post.

Ilang araw na ring almost 5,000 ang new cases ng COVID sa bansa at marami-rami ang number of death  kaya talagang, palakasan ng katawan ang labanan.

Kanyang-kanyang laban kumbaga.

‘Di na kasi uso ang social distancing. As in apaw na ang mga tao sa mall lalo na kahapon dahil umpisa na ng pasukan ngayong araw ‘yung iba kaya pati kabataang barangay dumagsa sa mall para mamili ng mga kailangan sa pagbabalik ng face-to-face sa eskuwelahan.

At ang mga concert venue punuan na. ‘Yung concert ng Grammy-award winner, Billie Eilish, last Saturday night sa MOA Arena, grabe ang tao.

Wow, parang walang virus. Good luck sa ating lahat lahat.

OGIE ALCASID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with