^

PSN Showbiz

Meryll at Joem, nililihim muna ang pagpapakasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Meryll at Joem, nililihim muna ang pagpapakasal
Joem at Meryll
STAR/ File

Ayaw ng mag-partner na Joem Bascon at Meryll Soriano na i-publicize pa ang kanilang pagpapakasal. Gusto raw nilang tahimik lang at magulat na lang ang lahat, kasal na pala sila.

Pinag-uusapan na raw nila, pero ayaw na nilang magbigay ng detalye.

“Sa amin na lang.

“Pero siyempre sasabihin naman namin.

“Gusto naman namin malaman ng lahat ng tao ‘yung pagmamahalan naming dalawa. Kung ano ang susunod na mga kabanata na gagawin,” pahayag ni Joem nang makapanayam namin ang dalawa sa nakaraang Cinemalaya 2022.

Natatawa lang si Meryll nang tinanong namin kung engaged na sila.

Hindi naman daw sila ‘yung tipong isasapubliko agad.

Ang mga ganung bagay ay gusto niya sa kanila na lang ‘yun at ng kanilang pamilya.

“Siyempre, ‘yun ang mga sikretong gagawin ko para kay Meryll. Gusto ko ano, surprise. Very private,” pakli ni Joem.

Sa ngayon ay naka-focus lang daw muna sila sa kanilang baby.

Nahirapan nga raw silang lumabas ng bahay dahil wala silang yaya. Talagang si Meryll ang nag-aalaga sa kanilang anak.

Nagpapa-breastfeed pa rin daw siya kasi sa kanilang anak.

Gusto raw sana nilang masundan ng isa pa ang kanilang anak, pero mahirap pa raw sa ngayon.

“Gusto pa sana namin ng isa, pero hindi na kaya e. Tuluy-tuloy ang work. Forty na ako this year,” napapangiting pahayag ni Meryll.

“Sana. Kung kaya pa,” sabi naman ni Joem.

Bida sina Meryll at Joem sa isang Cinemalaya movie na Angkas, kasama niya rito sina Benjamin Alves at Jolo Estrada.

Tekla, sinagot ang pagbabalik sa dating bisyo

May nagparating sa amin na kuwentong nagalit daw si Super Tekla kay Ogie Diaz dahil sa sinabi raw nito sa kanyang vlog na bumalik na naman ang komedyante sa dating bisyo.

Ang sabi pa sa amin, tinawagan pa raw ni Super Tekla si Ogie para klaruhin ang ­isyung ‘yun, at sabihing hindi ‘yun totoo.

Ang kuwentong nakarating kay Super Tekla na sinabi pang bumalik diumano sa pagbi-Bingo.

Tinanong ko ang manager ng host ng The Boobay and Tekla Show, para kumpirmahin, hindi raw niya alam na tumawag ito kay Ogie Diaz.

Pero nakarating nga raw sa kanila ang balitang ‘yun at may malisya raw ang pagkabalita.

Parang pinapalabas daw na bukod sa pagbi-Bingo, may isa pa siyang bisyong binalikan.

Kaya nilinaw ko na rin kay Ogie kung tinawagan nga ba siya ni Super Tekla.

Itinanggi niya ito. Wala naman daw siyang natanggap na tawag mula sa komed­yante.

Nag-PM lang daw sa kanya si Tekla para itanggi, at sinagot naman daw agad ni Ogie na mas mabuting makapanayam nila ito para linawin ang naturang isyu.

Hindi na raw sumagot si Tekla.

Pinanood ko ang vlog na ‘yun.

Hindi naman pala si Ogie ang nagsabi kundi ang kasama nitong si Mama Loi.

Sinabi lang ni Ogie na mas ma­buting alamin nila kung totoo ba ito.

Sinabi pa nila na iimbitahin nila si Super Tekla kung totoo ba ang balitang ‘yun.

Pero mukhang iritable na ang comedian/TV host dahil ang dami nang nagpaparating sa kanila ng ganung intriga.

Hindi naman daw totoo.

Sabi ng ilang taong malapit kay Super Tekla, ang laki na raw talaga ng ipinagbago nito.

Dinidisiplina na raw niya ang sarili, dahil ayaw na raw talaga niyang magkamali at bumalik sa dating buhay.

Lagi raw siyang pinapayuhang ituluy-tuloy na ang pagbabago, dahil baka wala nang tutulong sa kanyang makabangon muli kapag magkamali na naman siya.

JOEM BASCON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with