^

PSN Showbiz

Marco, walang balak patusin si Kylie

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marco, walang balak patusin si Kylie
Kylie
STAR/ File

Nasa Pampanga ngayon sina Kylie Versoza at Marco Gumabao para sa lock-in shooting ng pelikulang Baby Boy, Baby Girl. Ayon sa aktor ay talagang hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto mula nang mabasa ang script nito. “Magka-text kami ni Kylie that time. Nagulat ako na ganoon ang tema ng pelikula. Very excited at very shocked sa totoo lang.  It’s a real situation which is happening in our world right now. So no’ng binabasa namin, nakakatawa. At the same time nakaka-excite kasi we can also put ourselves in the shoes ng sugar babies. Kung paano tumatakbo ang mundo nila at kung paano sila nakikipagtransaksyon sa mga sugar daddies o sugar mommies nila,” kwento ni Marco.

Marami ng proyektong pinagsamahan ang aktor at si Kylie. Matatandaang huling nagkatrabaho ang dalawa sa My Husband, My Lover na mula rin sa Viva Films. Parehong walang kasintahan ngayon sina Marco at Kylie kaya marami ang nagtatanong kung posible kayang magkagustuhan ang dalawa. “This is our fifth project. I think out of those five projects, more than half ay mag-ex din ang role namin. Kumbaga, hindi pa nagiging kami, mag-ex na agad kami. So pinangunahan na namin ‘yung projects namin,” natatawang pahayag ng binata.

Ayon kay Marco ay matagal na rin silang magkaibigan ni Kylie. Matatandaang si Jake Cuenca ang huling naging kasintahan ng beauty queen-actress. “Kami ni Kylie, we formed a friendship no’ng nanalo pa lang siya na Miss International. Sobrang close namin ni Kylie. And importante career siyempre muna. Si Kylie very hot ngayon. So I’m sure career lang talaga ang focus niya sa buhay,” pagtatapos ng aktor.

Arron, scriptwriter na rin

Sumabak na sa pagpapaseksi si Arron Villaflor. Nasa panga­ngalaga na ngayon ng Viva Artists Agency ang aktor. Para kay Arron ay wala namang problema sa kanya kung magpaka-daring sa mga gagawing proyekto sa bagong management. Magbibida ang aktor sa pelikulang Wag Mong Agawin ang Akin kasama sina Jamilla Obispo, Angeli Khang, Felix Roco, Josef Elizalde, at Yayo Aguila. “Sexy, yes, but I don’t think I can do frontal nudity. I already laid my cards. So you can expect that my projects with Viva will be intense. I’m praying na maging smooth and sunud-sunod ang work,” bungad ni Arron.

Bukod sa pagiging isang aktor ay sinusubukan na rin ngayon ni Arron na makapagsulat ng script. Ayon sa binata ay mas mabuti nang mayroong ibang ginagawa bukod sa pag-arte sa harap ng kamera. “I have yet to complete it. Even if I don’t act, I get to submit stories to Viva. Who knows, they will also get to like the script. I want to work with the writers,” giit niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Arron na makatrabaho sina John Lloyd Cruz, Anne Curtis, at Bella Padilla. “I’m excited to work with all of them. I hope I can work with all of them in nice projects for Viva,” pagtatapat ng binate. (Reports from JCC)

KYLIE VERSOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with