^

PSN Showbiz

Julia proud sa ginawa ni Coco, ‘engagement ring’ pinakita kina Kathryn at Dimples

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia proud sa ginawa ni Coco, âengagement ringâ pinakita kina Kathryn at Dimples
Dimples At Julia.

Proud na proud si Julia Montes kay Coco Martin sa pagtatapos ng Ang Probinsyano noong isang gabi.

Pitong taong napanood ang Probinsyano.

Si Julia ang sinasabing pakakasalan ni Coco at diumano’y may anak na sila pero walang inaamin ang dalawa.

Lately ay nababalitang engaged na talaga sina Coco at Julia lalo na nga’t parang may dini-display na engagement ring si Julia nang mag-reunion sila nina Kathryn Bernardo and Dimples Romana.

Kasi parang gusto talaga nilang mapansin ‘yung singsing na nasa daliri ni Julia na bukod sa engagement ay preggy na rin uli diumano ang aktres.

“Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano… isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show… sa dedikasyon,  pagmamahal at sipag na binigay mo sa show, isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…
“Mula sa pangarap lng noon, ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo … proud na proud ako sayo!
“Congratulations aming Cardo Dalisay,” ang buong post ni Julia na inabangan kung ikakasal na nga ba sa aktor.

Kasabay rin ito ng pasasalamat naman ni Coco sa tumutok sa kanila.

“Maraming Salamat, Panginoon sa pitong taon na trabaho na ibinigay nyo sa amin, Napakarami pong buhay at pamilya ang natulungan dahil sa aming programa.
“Sa aking pamilya na nakasama ko sa loob ng pitong taon, sa lahat ng artista, directors, writers, staff/crew, cameramen, drone, art department, audio men, lighting directors, fight directors, stuntmen, talents, sa lahat ng bumubuo ng programa namin @dreamscapeph family, sobra kong saya at proud na naka buo tayo ng isang samahan at magandang proyekto na hinding hindi ko malilimutan.

“Maraming maraming Salamat sa dedikasyon at tiwala na ibinigay nyo para mapaganda ang programa natin! Saludo ako sa inyong lahat!
“Sa ABS-CBN, Maraming Salamat po sa oportunidad at trabahong ipinagkatiwala nyo sa amin, sa aming mga Bosses: Tita Cory (Vidanes), Sir Carlo (Katigbak), Sir Mark (Lopez), Sir Deo (Endrinal) at sa lahat po ng bumubuo ng aming programa.
“Taos pusong pasasalamat po kay FPJ, sa aking Lola Susan, Ate Grace sa tiwala na ibinigay nyo sa amin para magawa ang FPJ’s Ang Probinsyano.
“Salamat hanggang sa muli nating laban!— Police Major Ricardo Dalisay, Signing Off.”

Halos dalawang oras ang na­ging finale episode nito na katapusan ng isang era kumbaga sa Philippine television.

At sa seven years nitong umeere, dalawang presidente ng Pilipinas ang dumaan, dalawang Miss Universe winners, isang Olympic gold medalist etc. etc.

At siyempre nakailang leading ladies din si Coco.

Inabot na rin sila ng pandemic at nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Umabot sa 586,548 thousand ang live viewers sa YouTube ng nasabing finale episode.

Ilang beses itong napabalitang matsutsugi pero naitawid nila.

Kaya naman, matinding pressure ang nararamdaman ngayon ni Jane de Leon na bida sa Mars Ravelo’s Darna na papalit sa timeslot ng Ang Probinsyano simula bukas, Lunes.

Kasama ni Jane rito sina Iza Calzado bilang si Leonor, ang unang Darna at ina ni Narda; Janella Salvador bilang ang vlogger at lawyer na si Regina at ang mortal na kaaway ni Darna na si Valentina; Joshua Garcia bilang ang police officer na si Brian; at Zaijian Jaranilla na gagampanan ang papel ni Ding, ang computer geek na kapatid ni Narda.

Kabilang din sa cast ng serye sina Paolo Gumabao, Rio Locsin, Richard Quan, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, Levy Ignacio, at marami pang iba.

Mula sa direksyon nina Master Director Chito S. Roño.

Pero magkikita muna ngayon sina Cardo, Darna, pati ang all-star cast ng FPJ’s Ang Probinsyano at Mars Ravelo’s Darna kasama ang ASAP family, live na live ngayong Linggo (Agosto 14) sa ASAP Natin ‘To sa ­Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with