^

PSN Showbiz

Bago naging Amakabogera Maymay, marami dating insecurities

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bago naging Amakabogera Maymay, marami dating insecurities
Maymay Entrata.

Handa na ngang ipakita ni Maymay Entrata ang kanyang kagandahan at pagiging amakabogera niya bilang cover girl ng digital video magazine ng Star Magic na Slay ngayong Agosto.

“Ang pagiging amakabogera ay hindi lang ‘yung sa nakikita natin physically. Nagba-base ito sa katauhan natin. Natural naman lumalabas ang pagiging confident mo kapag fully accepted mo kung sino ka. Kasi the more mo ina-accept ‘yung sarili mong ganda ay nawawala na rin ‘yung insecurities mo,” saad niya.

Bago niya nahanap ang pagmamahal at kumpiyansa sa sarili, inamin ni Maymay na nagkaroon ng punto sa buhay niya na pinilit niyang sundin ang beauty standards na sinasabi ng ibang tao.

“Marami akong insecurities dati. Umabot sa point na ginawa ko lahat kung ano po ‘yung sinasabi nilang standard of beauty. Nag-explore ako ng iba’t ibang characters na kala ko ako pero hindi pala. May nagsabi sa akin na hindi ako maganda, malaki bunganga ko, payat payat ko, at hindi marunong manamit. Finorce ko ‘yung self ko maging iba hanggang sa napagod ako at hindi ako masaya,” pagbabahagi niya.

Ngunit nagbago iyon nang piliin niyang hanapin ang approval ng Diyos. May payo nga siya para sa mga taong kulang sa lakas ng loob at confidence na ipakita ang kanilang tinataglay na kagandahan.

“Siguro ang maa-advise ko ay maging strong and choose God’s approval and hindi po approval ng iba. In God’s approval mararamdaman mo ‘yung peace pero kapag people’s approval hindi ka talaga masa-satisfy. Magbibigay lang siya ng disappointment,” dagdag niya.

Iba rin ang kahulugan ni Maymay sa salitang “sexy.” Aniya, “Kapag masaya ako feeling ko sexy ako. Kapag palagi akong nakangiti tingin ko ang ganda ko.”

Sa ngayon, may higit isang milyon views na ang teaser reveal nito.

Malapit nang mapanood sa YouTube account ng ABS-CBN Entertainment ang ­susunod na isyu ng Slay tampok si Maymay na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-anim na taon niya sa industriya ngayong Agosto.

MAYMAY ENTRATA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with