^

PSN Showbiz

Joshua, maraming ginulat sa paghuhubad

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, maraming ginulat sa paghuhubad
Joshua Garcia.

Simula bukas ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Si Joshua Garcia ang makakatambal ng aktres sa pinakaaabangang serye.

Sa trailer pa lamang na inilabas kamakailan ay marami na ang nagulat dahil sa paghuhubad ni Joshua sa bagong proyekto. Ayon sa aktor ay nahirapan siya sa paghahanda para sa kanyang topless scene. “Na-convince ako kasi nasa tamang edad na rin naman ako and hindi naman sobrang laswa na ipapakita ko ‘yon. Topless lang, okay lang naman. Nahirapan lang akong mag-prepare. Medyo nagbuhat ako nang kaunti. Hindi talaga ako sanay na nagbubuhat. Labas din siya sa comfort zone ko. So why not gawin natin hanggang sa nangyari na,” nakangiting pagbabahagi ni Joshua.

Naging malapit ang aktor kay Jane dahil sa bagong proyekto. Posible kayang magkaroon ng espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa? “Magkaibigan lang kami ni Jane. Mabait si Jane, maganda si Jane, matalino si Jane. Napakagaan niyang kasama, magaan siya sa eksena. It’s just that parang hindi pwedeng unahin ‘yung gano’n. Dapat professional eh, ang hirap ng tinatrabaho namin,” giit ng binata.

Janine, natorpe kay Lovi

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Lovi Poe at Janine Gutierrez sa Sleep With Me na mapapanood na sa iWantTFC simula bukas. Tungkol sa pag-ibig o pagmamahalan ng parehong babae ang tema ng bagong serye na mayroong six episodes. Para kay Janine ay wala namang masamang magmahal sa kapwa-babae kung ito ang talagang nararamdaman ng isang tao. “You can never tell ‘di ba? You don’t really know what happens. Ang hirap magsalita nang tapos. What matters is the kind of love. Is it the kind of love that makes you feel good, fulfilled and safe? I guess ‘yon talaga ‘yung magiging basehan mo if you go into a relationship,” makahulugang pahayag ni Janine.

Aminado ang aktres na talagang noon pa man ay hinahangaan na niya si Lovi. Nakaramdam umano ng pagkailang si Janine habang ginagawa ang kanilang online series. Nagdiwang daw ng kaarawan noon si Lovi habang nasa lock-in taping pa sila. “Nag-birthday siya no’ng lock-in. I ordered her a gift na Friends merch because I know love niya ‘yung Friends. Pero parang natotorpe ako na I don’t know how to give it to her. Like, ‘Shocks! I’m shy,’” natatawang kwento ng aktres.

(Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with