^

PSN Showbiz

Ruffa, pumatol sa pangingialam ng bashers

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, pumatol sa pangingialam ng bashers
Ruffa Gutierrez.

Marami ang humanga sa sagot ni Ruffa Gutierrez sa ilang mga basher niya. “If my presence bothers so much then close your eyes and sleep… have an exceptional day!”

Actually, marami kaming kilalang supporters and fans ni Ruffa ang natuwa sa sinabi niyang ‘yon. Palakpakan pa ang iba sa kanila sa pagkabilib sa dialogue na ‘yon ng isa sa mga bida ng pelikulang Maid in Malacañang. Ang iba, napa-“Beh, buti nga!” pa sa mga basher, huh!

Ang kapatid ni Ruffa na si Raymond Gutierrez ay ipinakita sa akin ang art card kaugnay ng palaban na statement ng kanyang ate at natuwa rin siya.

Naku, Ateng Salve, paminsan-minsan din naman ay dapat lang na makatikim din ang mga basher, ‘noh?!

Ang hilig-hilig kasi ng iba na mangialam na akala mo ay wala silang kapalpakan sa buhay at ang linis-linis nila at kapag pinatulan naman ay nabubutata na!

Ang bongga lang ni Ruffa.

‘Yun na!

Xian at Kim, malapit na ulit magkasama!

Sa September pa raw magsisimula ang bagong series ni Xian Lim sa GMA 7 at panay training pa lang sa pag-i-ice skating ang ginagawa nila ng mga makakasama niya sa show na ‘yon.

Tamang-tama naman na mukhang next week ay babalik na si Kim Chiu ng ‘Pinas mula sa Los Angeles, California kaya may time pang makapag-bonding ang mag-sweetheart.

Last show na ng Beyond The Stars, ang Star Magic US tour mamaya sa Saban Theater sa Beverly Hills kaya makakauwi na si Kim.

Bale naka-4 shows si Kim sa Amerika dahil bukod sa Beverly Hills, nag-show rin sila sa Brooklyn, New York at sa San Francisco, plus may Orlando, Florida sila ni Zanjoe Marudo.

Anyway, alam mo, Ateng Salve, touched ako sa mga taga-TFC (The Filipino Channel) dahil nang malaman nila na gusto kong mag-cover ng Star Magic show sa Beverly Hills, kinontak kaagad ako ni Ms. Nerissa Fernandez (si Joyce Jimenez na da­ting taga-TFC Philippines ang nag-coordinate) para i-inform ako na may ticket for me na kukunin ko na lang sa Will Call sa Saban Theater.

At nagpasalamat pa si Ms. Nerissa at nagpaalala na “Don’t forget, ASAP in Vegas on November 5! Hope yo see you there, in Orleans Arena!”

Actually, Ateng Salve, marami akong press-friends na based dito sa Amerika ang puring-puri si Ms. Nerissa sa pagiging maasikaso sa media.

Bongga!

Probinsyano concert sa US, ayos na

Nagpo-promote na ang ibang mga magpoprodyus sa Amerika ng FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pasasalamat US tour. May nakita kami na poster para sa Las Vegas show ni Coco Martin.

In fairness, excited ang fans niya sa US para sa kanyang shows doon.

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with