^

PSN Showbiz

Dingdong, consistent na hindi nakaka-intimidate

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, consistent na hindi nakaka-intimidate
Dingdong Dantes.

Talagang ang husay mag-host ng ­Family Feud ni Dingdong Dantes.

Every night talaga nanonood ako dahil enjoy na enjoy ako, nakakatuwa na meron kang natututunan sa questions na iba ang sagot kesa sa akala nating tama.

Saka ang cool talaga ng pagho-host ni Dingdong, talagang hindi ka mai-intimidate.

Sana ma-extend pa ito dahil talagang enjo­yable at very ‘educating.’

Congrats, GMA 7. Jackpot kayo sa Family Feud at kay Dingdong.

‘Isang iglap, maiiba ang takbo ng buhay’

Ganun pala talaga ang buhay. Isang iglap maiiba ang takbo ng buhay mo, isang iglap hindi mo aakalain na iba na ang nangyayari sa iyo.

Kaya nga isang lesson para sa akin ang nangyari.

For so long I feel so healthy, hindi ko inakala na magiging ganito ang kalagayan ko.

Iyon bang nabibigla ang lahat na malaman na nagda-dialysis ako twice a week.

‘Yung every week nasa hospital ka para rito. Kung ‘di lang sa Instagram at sa column ko baka kung anu-ano na ang maiisip ko, kung ano na ang magawa ko dahil nga hindi ko matanggap ang kalagayan ko.

Hay naku, napansin ko nga na mula nang magkasakit ako ang bait nang mag-post ng IG ko si Salve, post niya agad, hindi na siya naghihintay ng ilang­ oras. Hahaha.

At si Gorgy Rula, laging nagpapadala ng mga alam niya na type ko na food, at bantay renta siya sa pinarerentahan kong condo.

Marami nang pagbabago, at sana naman gumaling na ako, please.

DINGDONG DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with