^

PSN Showbiz

Ate Vi, nangakong ‘di palalakihing spoiled ang apo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, nangakong �di palalakihing spoiled ang apo
Vilma Santos.

Excited na ngang masyado si Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang magi­ging apo. Iyan ang isang bagay na pinapangarap niya matagal na. Hindi pa nga nag-aasawa noon si Luis Manzano talagang tinatanong na niya kung kailan siya magkakaroon ng apo.

Madalas magbiro pa siyang, “baka una pa akong magkaroon ng apo kay Ryan.”

Kaya noong pakasal sina Luis at Jessy, masaya na rin si Ate Vi.

Tahimik lang ang kasal na iyon na ginanap sa isang pribadong farm sa Batangas at pinangunahan ni Lipa City Mayor Efren Africa. Civil wedding iyon at may balak din naman silang church wedding, kaso postponed daw dahil buntis na si Jessy.

Noong makita ni Ate Vi ang sonogram ng kanyang magiging apo, aba akala mo nakakita na siya ng isang portrait na tuwang-tuwa.

Pero ang sabi nga ni Ate Vi, hindi naman siya magiging dahilan para lumaking spoiled ang kanyang apo. Haha­yaan daw niya sina Luis at Jessy ang siyang dumisiplina sa kanilang anak.

Payag din ba siyang mag-showbiz ang kanyang apo kung sakali?

“Ang layo na niyan. Hindi pa nga ipinanga­nganak eh. Pero nasa kanya iyon. Halimbawa sabihin sa akin ng apo ko na gusto niyang ma­ging artista, ano ba ang sasabihin ko? Artista ako. Artista rin ang mga magulang niya. Hindi malayo iyon.

“Pero siguro kukumbinsihin ko siya na tapusin muna ang pag-aaral niya. Hindi lahat naging gaya ko na inabutan ng edad na ito na nasa showbiz pa. Kailangan niya ng fall back position, kung hindi masyadong maganda ang showbiz, maaari siyang magkaroon ng ibang trabaho. Mahalaga iyon lalo na sa panahon ngayon,” chika ni Ate Vi.

Naintriga ulit...

Hindi nakaligtas sa mata ng mga nakakita ang “tila engagement ring” na suot ni Julia Montes sa pictures na nai-post sa social media account ni Dimples Romana.

Iyon din namang nakapanood ng last episode ng Ang Probinsyano, napansin din ng audience na tila raw mas malapad nga ang balakang ni Julia, na lalong nagpalakas ng tsismis na buntis siya.

Matagal nang tsismis iyan. Hindi nga ba noong una hindi lang nabuntis ni Coco, ang tsismis pa ay nanganak na raw kaya matagal-tagal din itong nawala.

Eh may napatunayan ba naman ang mga Marites? Iyan ay mananatiling tsismis lang maliban kung aminin na nila mismo.

Aspiring actor give up na sa showbiz, susubok mag-flight attendant

Nagpa-medical checkup na raw at kinukumpleto na ng isang aspiring male star ang requirements niya para makapag-apply bilang flight attendant. Tanggap na raw niyang hindi niya maaaring asahan ang show business para mabuhay, lalo na ngayon at kailangan na niyang suportahan ang kanilang pamilya.

Mukhang may potential naman ang baguhan, kaya lang wala siyang nakukuhang assurance kundi puro OPM (oh promise me) lang.

Ganoon naman ang “managers” na may masamang motibo. Hindi nila gustong sumikat ang kanilang alaga, dahil oras na mangyari iyan mawawala na sa kanila.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with