^

PSN Showbiz

Gary V., mahal na mahal ni Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gary V., mahal na mahal ni Coco
Gary at Coco.

Kamakailan ay nagdiwang si Gary Valenciano ng kanyang ika-limampu’t walong kaarawan sa Magandang Buhay. Isang VTR message ang ibinigay ni Coco Martin para kay Mr. Pure Ener­gy. Ayon sa aktor ay nagsilbing lucky charm sa kanya si Gary. “Maraming-ma­raming salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal n’yo po sa akin personally. Sa lahat po ng teleseryeng ginawa ko ay lagi kayong nandiyan para tulungan ako. Kayo po ang inspirasyon ko, kayo ang lucky charm ko. At kayo ang hinahangaan ko bilang tao at bilang isang magaling na mang-aawit at artista. Salamat po sa lahat. Kung alam n’yo lang ay sobrang mahal na mahal ko kayo. Sana po ay lagi kayong maging malakas at ligtas at laging masaya. God bless you and more power at sana ay magkita ulit tayo sa ASAP. At walang sawa po akong magpapasalamat at yayakapin kayo. I love you,” mensahe ni Coco kay Gary.

Naging malapit umano so Coco kay Gary noong mga panahong naospital ang singer. “Kasi after my operation, siya ‘yung isa sa mga artista na bumisita sa akin. Tapos sabi niya, pwede ba akong gumawa ng theme song which is ‘Ililigtas Ka Niya,’ sabi ko sa kanya, matagal na akong hindi nagsusulat ng kanta. Sabi niya, ‘Hindi po, baka pwede kayong mag-collaborate ni Jonathan Manalo. Pero sir Gary gusto namin ng kanta na hindi lang magiging theme song ng Ang Probinsyano pero ‘yung maaaring theme song din ng buhay ng tao.’ Tapos ‘yung Ililigtas Ka Niya ang naging result. Thank you so much Coco,” paglalahad naman ni Gary. Bukod sa Ililigtas Ka Niya ay ginamit din sa naturang serye ang kanta ni Gary na Wag Ka Nang Umiyak.

Wala na raw ibang mahihiling pa si Gary sa ngayon kundi ang magkaroon ng maayos na kalusugan. “I’m really praying for good health. Siyempre lahat naman tayo ngayon ay health ang nasa isip natin. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. It seems like the world is so uncertain now, I’m just praying na I’d just stay in good health. Para I’ll be able to have more years, being able to inspire, to encourage and being able to maximize kung ano ang ibinigay sa akin ni Lord. Para sa gano’n pagdating ng oras o panahon na makita ko na Siya, face to face, marinig ko siyang magsabi ng ‘Hey! Good fight! You won a good race! You fought a good fight!’,” pagtatapos ng singer.

Roxanne at pamilya, ‘di pa alam kung hanggang kailan sa Taiwan

Sa Taiwan na naninirahan si Ro­xanne Barcelo na kasama ang asawa at anak. Sa ngayon ay hindi pa masabi ng aktres kung hanggang kailan sila mananatili roon. “We will see how the ganaps are. Excited ako kasi masarap ang food. Maganda ang kabuuan ng Taiwan. From a beautiful country Philippines, going to a beautiful country Taiwan. I’m excited for a new chapter sa totoo lang, for a change,” nakangiting pahayag ni Roxanne.

Abala pa rin ang aktres sa pagiging video blogger para sa sariling YouTube channel. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin umanong maging food blogger ni Roxanne habang nakabase sa Taiwan. “Gagawin ko talaga ‘yon kasi masarap ang food sa Taiwan and maganda ang fashion. Explore natin lahat. We are opening a new chapter of our lives. Bahala na si Lord sa amin. Baka may pakanta ako. We’ll see, sana matuloy. Sana matupad ang ganap ko,” paglalahad ng aktres.  (Reports from JCC)

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with