^

PSN Showbiz

'God's Plan': Iza Calzado preggy sa unang baby ngayong ika-40 kaarawan

James Relativo - Philstar.com
'God's Plan': Iza Calzado preggy sa unang baby ngayong ika-40 kaarawan
Litrato ni Iza Calzado habang ipinakikita ang kanyang "baby bump" kasabay ng kanyang ika-40 na kaarawan
Mula sa Instagram account ni Iza Calzado

MANILA, Philippines — Hindi man inaasahan, masayang ibinalita ng aktres na si Iza Calzado na siya'y nagdadalang-tao kasabay ng kanyang ika-40 kaarawan at ika-20 anibersaryo sa showbiz.

Ito ang ibinahagi ni Iza sa kanyang Instagram post, Biyernes, habang ipinakikita ang kanyang baby bump.

"So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry," wika ng aktres na kasalukuyang nasa London.

"Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan."

Bago pa raw niya nalamang siya'y buntis, sinabi niyang kakakumpleto lang niya ng ilang exciting projects habang meron pang "dream projects" na paparating pa lang kasabay ng bagong yugto ng kanyang buhay.

Pero nabago raw ang kanyang mga plano ngayong paparating na ang kanyang unang supling.

"In my forty years I have come to discern when God is steering me to a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance," dagdag pa niya.

"You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!"

Ang tinutukoy niya ay ang asawang si Ben Wintle, na ngayo'y kasama niya habang nagbabakasyon.

Nakuha pa niyang sipiin ang isang linya ng kanyang naging karakter sa isang pelikula na, "In love there is no fear," habang pinipiling mabuhay bawa't araw na buhayin ang bata sa pag-ibig.

"They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty," dagdag pa niya.

"To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light."

"Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE."

IZA CALZADO

PREGNANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with