^

PSN Showbiz

Darren, nagsalita sa totoong relasyon kay Cassy!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren, nagsalita sa totoong relasyon kay Cassy!
Darren at Cassy
STAR/ File

Matagal nang nauugnay sa isa’t isa sina Darren Espanto at Cassy Legaspi.

Madalas na nakikitang magkasama ang singer at ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kaya naman may mga ispekulasyon na mayroon nang espesyal na namamagitan sa dalawa. “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa. At pati ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado,” paglilinaw ni Darren.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ng binata na magkatambal sila ni Cassy sa isang proyekto. “Kami ni Cassy we want to make a project kahit like kaming dalawa lang. Sa YouTube or something,” dagdag ng singer.

Samantala, mayroong pangako si Darren para sa kanyang mga magulang na nakabase sa Canada. Sa edad na dalawampu’t isa ay nakakapagdesisyon na ang singer para sa sarili. “Siyempre nandoon na po tayo sa edad na minsan mayroon ka ring gustong gawin na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga mugalang natin. Pero that’s part of life. Depende rin ‘yon sa sitwasyon n’yo sa bahay, sa relationship mo sa magulang mo. But I promise to my parents na sana makita n’yo pa rin ang Darren na kilala n’yo no’ng bata ako bago lumipad papunta ng Pilipinas. Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin ever. Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko pero siyempre as a parent hindi n’yo matatanggal  sa parents natin na mag-alala. I just promise to try my best always to make you guys proud and not be a disappointment,” emosyonal na pahayag ng binata.

Janella, madaming baggage sa Darna

Kamakailan ay napabalitang nagkakalabuan na ang relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson. Ayon sa aktres ay maayos naman ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni Markus para sa anak nilang si Jude. “Masaya kami individually ngayon. Our focus is Jude. He is the priority,” bungad ni Janella.

Para sa aktres ay mayroong mga nagbago sa kanyang mga pananaw sa buhay mula nang maging isang ganap na ina. “I think my priorities talaga different na. And kapag nahihirapan nga ako kunwari sa work, hindi ko siya nakakasama, iniisip ko na lang lahat nang ginagawa ko ay para sa kanya, para sa future,” giit niya.

Taong 2019 nang hu­ling napanood si Janella sa teleseryeng The Killer Bride.

Gagampanan  ng aktres ngayon ang karakter ni Valentina sa Mars Ravelo’s Darna na magsisimula na ngayong Lunes.

Ayon sa aktres ay ito na marahil ang pinakamahirap niyang nagawang proyekto simula noon. “Kasi first of all dalawang characters siya, si Regina at saka si Valentina. Tapos si Regina pa lang medyo complicated na ang character niya. Ang dami niyang baggage, ang dami niya pinagdaanan. Ang dami niyang nararamdaman tapos lagi siyang galit so mataas lagi ang emotions niya. Pagdating sa Valentina, siyempre iba naman ako roon, hindi ako tao,” paliwanag ng aktres.

(Reports from JCC)

DARREN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with