^

PSN Showbiz

Pops, pinasalamatan ng ex ni Martin!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Pops, pinasalamatan ng ex ni Martin!
Pops
STAR / File

LAS VEGAS, NEVADA – Naku, Ateng Salve, hindi nga ako nakauwi ng ‘Pinas para sa presscon kahapon ng Four Kings and a Queen na ginanap sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, pero naintindihan naman ‘yon ni Pops Fernandez (line producer ng Aug. 26 & 27 concert sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts) dahil cancelled nga ang Cathay Pacific Airlines flight ko from Los Angeles, California to Manila (via Hong Kong) dahil sa big typhoon sa HK.

Anyway, bongga pa rin naman ang kinalabasan ng presscon nina Pops, Rey Valera, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga at Marco Sison.

At para hindi ako ma-stress, sumama na lang ako kay Tita Mary Ann Opeña dito sa city na ang slogan ngayon ay, “What happens here, only happens here.”

Enjoy rin dahil nang malaman ng former singer-actor na si Jerome John Hughes na nandirito nga ako, sinundo niya ako sa Bellagio Hotel & Casino at nag-dinner kami sa Texas de Brazil.

Akala ko kami lang ang magkasama sa dinner, pero pati pala sisters and brother-in-law niya ay nandoroon. Siyempre, ka-join din ang fiancée niyang si Katrina Ojeda, ang nanay ng bunsong anak ni Martin Nievera na si Santino.

In fairness to Katrina, she’s so nice. Very proud din siya sa fiancé niyang si Jerome. Next year na ang kasal nila, pero hayaan natin na sila ang mag-announce ng tungkol doon.

Ang ganda lang kasi kahit ex ni Katrina si Martin, friends silang dalawa, huh! Kahit naman si Jerome, friend din ang Concert King. Ang bongga!

At ang lalo pang maganda, friends sina Katrina at Pops!

Kapag nandirito nga si Pops, palagi siyang kasa-kasama nina Jerome at Katrina.

So, touching nga, Ateng Salve, dahil sa interbyu ko kay Katrina, pinasalamatan niya si Pops dahil sa tunay at sobrang pagmamahal sa anak niyang si Santino.

Napa-wow nga ako sa message ni Katrina for Pops.

Actually, si Katrina mismo ang nagsabi nang magkita kami sa restaurant na she will say something for Pops. Hindi raw intriga, pero masyadong importante. At ‘yon nga ang sobrang pag-appreciate niya sa genuine na pagmamahal ng Concert Queen sa bunsong anak ni Martin.

Anyway, sobrang sarap katsikahan nina Jerome at Katrina, pati na rin ang sisters and brother-in-laws ng una. Ang saya tuloy ng dinner namin.

Naikuwento nga ng grupo na papunta sila sa Hawaii next month kaya may isang buwan pa raw sila para mag-diet. Pero ang biruan nila, everyday nila sinasabi na magda-diet na sila the next day, pero hindi naman daw nila magawa. Hahaha!

Oo nga pala, bukod sa pagiging teacher, isang realtor din si Katrina. Alam n’yo naman dito sa Amerika, kailangang maging masipag ka para bongga ang life mo, huh!

Lani, lumalagare sa ABS-CBN at GMA

Tinawagan ko si Noli Misalucha, ang mister ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha para madalaw ko nga sana silang mag-asawa dahil tagarito sila.

Nang makatsikahan ko si Noli, paalis naman pala sila.

Papunta raw sila sa Canada para sa isang Pinoy event na sponsored ng TFC (The Filipino Channel).

Ang nakakaaliw, next week daw ay babalik na naman sila ng Canada para naman sa PinoyTV event ng GMA 7.

Wow, ang bongga!

Nakakapaglagare si Lani sa ABS-CBN at GMA 7, huh!

‘Yun na!

POPS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with