^

PSN Showbiz

Mariel ‘di nag-member sa Senate Spouses Foundation, mas busy sa live selling

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel âdi nag-member sa Senate Spouses Foundation, mas busy sa live selling
Mariel Rodriguez.

Heart mas abala naman sa pagrampa...

Wala si Mariel Rodriguez sa election ng new set of officers ng Senate Spouses Foundation Inc. ng 19th Congress.

Parang mas abala si Mariel sa kanyang live selling ng pre-loved luxury items sa kanyang Facebook page na may 5 million followers kasabay ng kanyang birthday celebration.

At mas marami na siya ngayong items na tinitinda.

The other night ay nag-live selling siya kung saan meron pa siyang glam team.

Pero paano kaya ‘yun, nauna nang sinabi ng META Platforms Inc. noong Lunes na hindi na papayagan ng Facebook ang mga user na nagla-live selling beginning Oct. 1.

Bagama’t ‘di naman daw nito apektado ang Instagram kaya puwedeng sa IG magbenta si Mariel. “If you have a shop with checkout and want to host Live Shopping events on Instagram, you can set up Live Shopping on Instagram,” ayon sa Meta.

May 4 million followers si Mariel sa Instagram.

Anyway, ang mga bagong opisyal ng SSFI ay sina – President- Audrey Tan Zubiri

Vice President - Gladys Cruz-Villanueva

Secretary - Tootsy Angara

Treasurer- Kathryna Yu-Pimentel

Legal Counsel- Atty. Emily Aglipay-Villar

Assistant Secretary - Mar Tulfo

Public Relations Officers - Pepito Angeles & Neil Llamanzares.

Kung sabagay hindi rin naman official sina Cong. Lani Mercado, Heart Evangelista at Precy Ejercito sa samahan ng mga asawa ng mga senador.

Inasahan ng fans na magiging aktibo si Mariel sa Senate activies bilang number 1 senator ang mister niyang si Sen. Robin Padilla na magpapasa ng batas na isama ulit ang Philippine history sa curriculum ng high school.

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with