^

PSN Showbiz

Janella at Markus, masaya na individually

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Janella at Markus, masaya na individually
Janella Salvador.

Hindi sinagot ng diretsahan ni Janella Salvador si Regine Velasquez sa Magandang Buhay kung hiwalay na ba sila ni Markus Paterson na ama ng anak niyang si Jude pero parang ganun na rin. “Basta ate Redj, masaya kami individually. Du’n na lang natin tingnan. Our focus is Jude. He is the priority,” sagot ni Janella.

Sinabi na rin ni Janella na Valentina sa Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon, binibisita na lang din ng aktor ang anak nila ‘pag nasa lock-in siya ng Darna.

“Meron siyang mga nag-aalaga sa kanya. ‘Yung mga angels namin sa bahay. Pero also, naiiwan din siya sa tatay niya minsan kapag nasa lock-in ako. Binabantayan din siya, bini-visit siya,” sagot ni Janella.

Paiwas din ang sagot ni Markus sa mga tanong sa kanya tungkol sa nasabing hiwalayan sa isang interview: “Ang importante lang sa aming dalawa na she’s happy. I am happy, our hearts are both happy. That’s important you know. We will always be there for each other no matter what.”

Pahabol niya sa nasabing interview na : “We’re both very good. We have a very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now.”

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with