^

PSN Showbiz

Jane, na-pressure kay Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, na-pressure kay Coco
Jane De Leon.

Sa Biyernes ay magwawakas na ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Umabot ng pitong taon sa ere ang pinag-uusapang teleserye sa bansa.

Nakatakdang ipalit sa oras na iiwan ni Cardo Dalisay ang Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Kakaibang pressure na ang nararamdaman ng aktres ngayon dahil sa pamamayagpag sa ratings ng magtatapos na serye na papalitan ng kanyang programa. “Nakaka-pressure naman po kasi kahit sino namang artista na nagkakaroon ng show, gusto pong mapalitan ‘yung slot,” pagtatapat ni Jane.

Matatandaang naging bahagi rin ng Ang Probinsyano ang dalaga noong isang taon. Sa ngayon ay hindi pa umano muling nakapag-uusap sina Jane at Coco tungkol sa kanya-kanyang proyekto. “Hindi ko rin alam ‘yung reaction ngayon ni Coco. But I am so grateful naman and happy,” paglalahad ng aktres.

Ilang taon nang pinakaaabangan ng mga manonood ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series. Umaasa si Jane na tatangkilikin din ng mga tagahanga ang kanyang kauna-unahang serye kahit nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. “Hindi lang naman po sa pinaghirapan ko, but sa lahat ng pinaghirapan ng staff, ng director and ‘yung mga in-invest din po namin. Pero may tiwala po ako kay Lord and may tiwala po ako sa ABS. Katulad po nito, natuloy na ‘yung teleserye,” pagtatapos ng dalaga.

Francine, kabado sa pagbabalik-serye

Malapit nang mapanood ang Dirty Linen na pinagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Kabilang din sa bagong drama series ng ABS-CBN sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Francine lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sila ni Seth sa isang serye. “Kinakabahan dahil parang ang tagal bago ako ulit bumalik sa serye. Pero excited ako kasi mayroon akong mga bagong makakasama. And I am sure marami silang maituturo sa akin pagdating sa acting. At siyempre another family and friends,” nakangiting pahayag ni Francine.

Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng kanyang mga tagahanga ang bagong karakter na kanyang gagampanan. “Para siyang maraming personality. Pero hindi sa point na nag-iiba siya ng anyo. Kasi hindi ba may iba sa movies na kapag sinabi mo na ito ang una niyang personality na bata siya ay magiging bata rin talaga siya. Pero ‘yung sa akin naman mas nag-iiba ‘yung kung paano siya makitungo kapag kasama niya ang family niya, kapag kasama ang friends, kapag mag-isa na lang siya at kapag basag na siya. ‘Yung pinaka-magiging challenge sa akin ay ‘yung character ko of course. Pero ‘yung challenge din kasi kapag makakaeksena ko siyempre ay ‘yung magagaling at mga bigating artista na kasama namin dito sa Dirty Linen,” pagdedetalye niya.

Napapanood na rin ngayon ang music video nina Francine at Seth para sa kantang Muli ni Ace Banzuelo. Para sa aktres ay mayroong pagkakahawig ang kanilang mga karakter ni Seth sa naturang music video at sa bagong serye. “Hindi ko pa pwede sabihin dahil baka ma-spoil. Pero masasabi kong mayroong similarities ‘yung character namin ni Seth sa Dirty Linen sa music video. Kailangang abangan n’yo kung ano ‘yon,” pagbabahagi ng aktres.  (Reports from JCC)

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with