^

PSN Showbiz

‘Mga matandang may sakit, mabilis manghina ang katawan’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Mga matandang may sakit, mabilis manghina ang katawan�
Lolit at mga kaibigan.

Alam mo ba, Salve, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako.

Nagpri-pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi-depress ako. Hindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba na rin ang sked ko dahil sa dialysis.

Isang araw dialysis, isang araw pahinga, twice a week na dialysis, plus dalawang araw na pahinga, four days na agad ang nawala sa akin.

Iba na talaga ang takbo ng buhay ko, iba na.

Minsan tanggap ko, minsan parang naiinis ako, minsan nasa-sad ako.

Iyon bang sana noong mas bata ako nagkasakit, sana noong mas matibay pa ang katawan ko.

Hindi ngayon na old na ako kaya parang madali nang manghina.

I feel sad sometimes, pero tanggap ko rin na wala na akong magagawa, so ok na lang.

Que sera sera na lang ang puwede kong maging reaction, ito ang binigay sa akin, so, tanggapin ko na lang.

Sana nga huwag na ako ma-depress, mag-enjoy na lang ako sa mga pangyayari, dahil talagang ganun ang buhay.

Sinabi ko na ‘pag nauna ako kay Jokjok, ang favorite dog ko, pa-sleep na siya at isama sa akin sa cremation ko.

Dahil old dog na siya, sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok.

Hay naku, mga drama ko talaga, Salve at Gorgy, kaloka, ‘di ba!

Heart at Chiz, suwerte sa isa’t isa

Talagang bongga si Heart Evangelista. Iba talaga ang flair niya pagdating sa fashion. Iba ang aura niya. Kaya naman hindi nakapagtataka na kilala at tanggap siya ng signature brands.

Iyon bang pinapagamit ni Heart ang mga gawa nila at talagang bongga ang pagdadala niya.

Napakasuwerte naman ni Chiz Escudero na asawa ni Heart at suwerte rin si Heart dahil tiyak hanggang Paris alam nila na asawa siya ng isang magaling na pulitiko sa Pilipinas.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with