^

PSN Showbiz

Jane, tuloy ang paglipad kahit ghost month!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane, tuloy ang paglipad kahit ghost month!
Jane
STAR/ File

Napi-pressure na papalit kay Coco

Tuloy na tuloy na ang airing ng Darna: The TV Series kung kailan sinasabing ghost month.

Matagal bago natuloy ang taping nito na ang unang plano ay pelikula.

Una sanang magbibida si Angel Locsin pero nagkaroon ng spine problem kaya pinalitan ni Liza Soberano.

Pero naudlot din nang mapilay ang isang daliri ni Liza sa ginagawa niyang teleserye noon.

Nagkaroon ng pandemya at nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Nakailang palit din sila ng direktor.

Pero itong-ito na, sa Aug. 15 ay mapapanood na ang kwento ng iconic Pinay superhero na si Darna na matutunghayan simula Lunes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at TV5.

“Marami po kayong aabangan pagdating sa effects, costumes, villains, at syempre sa bagong istorya ng Darna,” ayon sa bidang si Jane de Leon na gagampanan ang papel ni Narda Custodio at ang superhero alter-ego niyang si Darna noong nagkaroon ito ng media conference last Monday night.

Nagbigay naman ng sorpresang video message ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa media conference na apat na beses gumanap na Darna. “‘Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay. Ang karakter niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao.”

Dagdag mensahe pa ng batikang aktres, “Jane, na sa’yo na ang bato, Pangalagaan mo ‘yang mabuti. Ma­ging ehemplo ka ng henerasyon ngayon.”

Iikot ang kwento ng programa sa buhay ni Narda na isang emergency medical technician (EMT) na nagsisikap bilang breadwinner ng pamilya Custodio. Nakatadhana siyang maging protektor ng mahiwagang bato na nagbibigay pagkakataon sa kanyang mag-transform bilang si Darna na nagtataglay ng mga natatanging abilidad para makatulong sa mga nangangailangan.

Kasama sa serye sina Iza Calzado bilang si Leonor, ang unang Darna at ina ni Narda; Janella Salvador bilang ang vlogger at lawyer na si Regina at ang mortal na kaaway ni Darna na si Valentina; Joshua Garcia bilang ang police officer na si Brian; at Zaijian Jaranilla na gagampanan ang papel ni Ding, ang computer geek na kapatid ni Narda.

Kabilang din sa cast ng serye sina Paolo Gumabao, Rio Locsin, Richard Quan, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, Levy Ignacio, at marami pang iba.

Mula ito sa direksyon nina Master Director Chito S. Roño, Avel Sunpongco, at Benedict Mique ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN. Base ito sa karakter ni Darna na binuo ng legendary Pinoy komiks creator na si Mars Ravelo.

Nagbahagi naman si Direk Chito tungkol sa Darna ng bagong hene­rasyon. “I’m very pleased not only that [Jane] she focused, not only that she concentrated, she has done very well as an actress,’” papuri niya.

Pero pangako ni Jane, ayaw niyang lumaki ang ulo sa kabila ng mga papuring natatanggap.  “Una po talaga sa lahat, lagi ko po tala­gang nire-remind ‘yung sarili ko na ‘wag na ‘wag po talagang lalaki ang ulo ko. Dapat po talaga stay humble lang kasi nire-remind ko po ‘yung sarili ko kung saan ba talaga ako galing, kung ano ‘yung pinagdaanan ko. For me, gagampanan ko lang naman po ang isang role. Basta ‘yun nga po stay humble,” aniya.

At nang tanungin siya kung anong nararamdaman niya na sila ang papalit sa time slot ng Ang Probinsyano ni Coco Martin na halos pitong taon napanood at laging bongga ang rating: “Nakaka-pressure naman po kasi kahit sino naman artista na nagkakaroon ng show, gusto pong mapalitan ‘yung slot. Hindi ko naman din po in-expect na ako po ‘yung papalit doon,” pahayag niya sa media conference.

DARNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with