^

PSN Showbiz

Regine, opisyal na sa magandang buhay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Regine, opisyal na sa magandang buhay
Regine
STAR/ File

Opisyal nang makakasama araw-araw nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros si Regine Velasquez bilang host ng Magandang Buhay.

Matatandaang naging guest co-host ang songbird kamakailan para sa naturang talk show dahil sa pag-alis ni Karla Estrada. Malaki ang pasasalamat ni Regine sa mga kasamahan sa trabaho na nagtiwala sa kanya. “Gusto ko rin magpasalamat siyempre kay Momshie Karla who’s been with Magandang Buhay for six years. She has become part of this show so thank you very much. Siyempre bahagi talaga siya ng MB,” pahayag ni Regine.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng singer nang mabalitaang magiging regular na siya sa programa. “Kinakabahan ako, hindi ko alam. Pang-ilang beses ko na rito pero for some reason since I’m officially going to be part of Magandang Buhay, I’m so nervous. Kabadong-kabado talaga ako,” pagtatapat niya.

Para kay Regine ay isang malaking responsilidad ang pagiging host ng programa. Gayunpaman ay excited na rin ang Asia’s Songbird sa mga paparating na episodes na kanilang gagawin. “Siyempre I’m very excited but I’m happy. I’m very, very happy to be part finally of Magandang Buhay,” pagtatapos ng singer.

Maja, ‘di makalimutan ng Probinsyano

Ngayong Biyernes ay magtatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Umabot ng pitong taon sa ere ang pinakasikat na serye sa bansa. Matatandaang naging bahagi rin si Maja Salvador sa naturang teleserye ilang taon na ang nakalilipas.

Ginampanan noon ng dalaga ang karakter ni Glenda Corpuz na naging kaibigan ni Cardo na karakter naman ni Coco. “Maraming-maraming salamat po dahil until now ay walang sawa kayong sumuporta sa Ang Probinsyano. At kahit saglit lang po ako, maraming-maraming salamat dahil hindi n’yo nalilimutan si Glenda Corpuz at ako rin po never kong makakalimutan ang character na ‘yon dahil sobrang naging espesyal ang karakter na ‘yon sa akin,” nakangiting bungad ni Maja.

Kahit inabot ng pitong taon ay naging maganda pa rin ang takbo ng kwento ng nangungunang teleserye sa bansa. Ayon kay Maja ay kaabang-abang din ang bawat karakter na nadagdag sa programa sa loob ng ilang taon. “In fairness naman kasi sa Ang Probinsyano, episodic naman kasi at saka ang daming mga bagong charac­ters na pumapasok at lahat naman ‘yon parang ang gaganda nang nagiging resulta ng kwento ng bawat character na ipinapasok,” dagdag ng dalaga.

Para kay Maja ay talagang magaling na aktor, manunulat at direktor si Coco kaya tuma­gal ng maraming taon ang programa. “Co, congratulations! Grabe ‘yung naging journey mo. Kitang-kita naman kung gaano ka ka-passionate sa mga project na ginagawa mo at nakikita naman ‘yon ng lahat. Kaya congratulations dahil nakagawa ka ng isang napakaganda, napakatinding tele­serye at talagang hindi makakalimutan ng bawat Filipino. Naging parte na talaga ng buhay nila. Ngayon na matatapos na, I’m sure maraming malulungkot,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

REGINE VELASQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with