^

PSN Showbiz

Edad ni Bea, nasilip ng Korean produ ng start-up Philippines?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Edad ni Bea, nasilip ng Korean produ ng start-up Philippines?!
Bea
STAR/ File

Naloka ako nang malaman kong nag-react ang Korean producer sa local version ng Start-Up.

Hindi kaya nakita ng Koreans na mukhang tita ni Alden Richards si Bea Alonzo?

So, siguro nga dapat mas mukhang bata ang partner ni Alden, hindi gaya ni Bea dapat ang partner ni Alden.

Hay naku, sorry pero never nang magiging younger looking si Bea noh!

Kahit ang kapal ng makeup, palitada face, ang wrinkles nandu’n na noh! Lucky Alden, kahit mukhang lola na si Bea ok lang.

Tutal make believe lang naman, ilusyon na lang ang lahat, parang magic, hah hah hah.

Mga nagda-dialysis, positibo pa rin ang attitude

Dialysis sked ko na naman kahapon. Apat na oras na naman ako sa dialysis chair na nakatingin sa paligid.

Sabi ni Pat-P Daza baunin ko na ang iPad ko para manood ng K-drama. Pero mas gusto kong mag-people watching, mas interesting.

Actually, ewan kung bakit para naman ang saya-saya ng mga nasa dialysis room.

Cheerful ang paligid at parang, wala lang, nandu’n lang sila.

Kung anu-ano ngang feedback ang naririnig ko, mga positive naman ‘yung attitude ng mga tao sa loob ng dialysis room. Actually ako lang nga yata ang nega kasi nga maldita ako.

Naku, gagandahan ko na ang attitude ko, ayaw ko nang maging nega. Ito na ang kapalaran ko, tatanggapin ko na.

Wala na akong magagawa, heto na talaga ang ­kapalaran ko.

KOREAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with