^

PSN Showbiz

Rico nawala ang takot sa pop music, Maris nairampa ang damit nagaling ukay sa New York!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Rico nawala ang takot sa pop music, Maris nairampa ang damit nagaling ukay sa New York!
Rico Blanco at Maris Racal.

Aminado ang rock icon na si Rico Blanco, na magkakaroon ng major concert sa Araneta Coliseum, na takot siyang magsulat ng pop songs. Pero nawala ‘yun dahil sa girlfriend na si Maris Racal.

“Takot na takot po akong gumawa ng Pinoy pop. I’m just real, ‘pag banda kasi yung tugtugan, kahit yung video medyo art-art, medyo green, madumi, lo-fi whatever, papasa eh. ‘Pag pop kasi medyo kailangan polished eh,” umpisa niya sa interview para sa kanyang first ever solo concert sa Big Dome.

“Malaking budget para gumawa. It’s really challenging to do pop videos so minsan may magandang pop song and nabibigyan ng tama yung video kasama siya sa presentation, yung visual. Takot po akong gumalaw sa mundo na yon kahit na dati ko pa gustong gumawa ng pop. Kasi po lumaki ako pop time. Mga uncle ko mahilig sa Beatles, lahat ng auntie ko mahilig sa ABBA, mga Bee Gees so mahilig po ako sa pop disco at lumaki ako sa radyo, mainstream radio. Michael Jackson… lahat yan paborito ko yan. I think medyo na-push ako nung sinabi nya na ‘heto gusto kong gawin,” pag-amin niya sa collab nila ng girlfriend na si Maris.

“Initially I thought na that is a great idea she had that noontime show where she was dancing every week. When the time ginawa namin yung songs, they cancelled the show na. Then she said ‘no, I still want to do that,” na ang tinutukoy niyang noontime show ay ang Sunday Noontime Live na bigla nga nung tinanggal sa ere kung saan regular si Maris.

“ Na-push ako don. Then she told me na ‘ok doable naman pala.’ Right now it’s easier na kasi nakalabas na siya ng several. Mahirap po yung umpisa eh. Lagi pong yung umpisa ang mahirap kasi yung first impression. Dahil naitawid namin yung first niya, yung Ate Sandali tapos nagkaro’n ng several after parang ngayon we can do pop. Yun na, malaking tulong po yun saken, finally shoot what I’ve always loved,” pagkukuwento ni Rico na 25 years ang age gap sa girlfriend na Kapamilya star.

Pero hindi kasama sa line up ng guest ni Rico si Maris sa Araneta concert niya.

Nasa lock-in taping daw ang girlfriend sa September 11, ang date ng kanyang concert na by the way ay napuri dahil nakarating sa New York ang kanyang white dress na binili raw niya sa ukay-ukay. Nasa New York si Maris kasama ang maraming Star Magic artist para sa kanilang Beyond the Stars concert tour. “My ukay ukay dress made it to nyc,” ayon kay Maris.

Kaya napuri si Maris dahil pinatunayan daw nito na hindi kailangang maging mamahalin ang suot sa pagrampa.

Uso ngayon sa mga celebrity ang pamahalan ng presyo ng mga suot, mga branded, na nireresibuhan ng kanilang followers.

Anyway, going back to Rico, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng solo concert ng Pinoy rock icon sa Araneta.

Sa Music Museum lang ang ginanap ang kanyang mga solo concert at kung nagkaroon man siya ng Araneta, Rivermaya time pa raw ‘yun.

Aminado naman siyang sa mga bar sila madalas noon.

Two years ding ‘di lumabas si Rico nang magkaroon ng pandemic pero nang magkaroon ng vaccine, nag-bar ulit sila pero nahawa siya ng COVID.

Anyway, kilala si Rico sa kanyang maraming hits tulad ng  Umaaraw, Umuulan, Your Universe, Yugto at marami pang iba.

Kilalang versatile artist ang dating frontman ng Ri­vermaya at isang mahusay na songwriter pero talent manager na rin siya ng ibang singer tulad ni Ebi Dancel.

Tickets are available via Ticketnet. Visit KDR Music House social media accounts for concert updates.

RICO BLANCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with