^

PSN Showbiz

Gary, may pangako ngayong mag-aapat na dekada na sa industriya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gary, may pangako ngayong mag-aapat na dekada na sa industriya
Gary Valenciano.

Noong August 6 ay ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang ika-pitumpu’t walong kaarawan.

Sa ASAP Natin ‘To noong Linggo ay isang masayang selebrasyon din ang ibinigay para kay Mr. Pure Energy.

Nakasama ni Gary sa isang special musical number ang mga kaibigang sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla at Martin Nievera. “Like everybody else, we are musicians and singers, but we are also instruments. Maraming salamat to everyone who’s paying attention to what God has given me. It’s nice when you look 40 years in the industry. I am celebrating that next year. Tapos makikita mo all the good and the bad and you get to look at the hand that is creating it. It’s not finished yet and it’s not a masterpiece. But I have chosen to put my life in the hands of the One creating that masterpiece. His faithfulness does not cease,” makahulugang pahayag ni Gary.

Malaki ang pasasalamat ng singer sa mga kasamahan sa show na naging kaibigan na rin sa loob ng mahabang panahon.

Nagbigay din ng mensahe sa pamamagitan ng VTR ang ilan pang kaibigan at ang buong pamilya ni Gary. “They are blessings that you get to realize. They all play a role in my life. I am alive today, defying what medicine has said. I am not supposed to be around anymore. I am 58 today and I love what I do. I love who I am with and I will continue going and going, and growing and growing. Wait, till I am 68. I am still going to stand up and say, ‘I am 68 and I am still going,’” paglalahad ng beteranong singer.

Paolo, todo ang pasasalamat sa stepdad

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida si Paolo Gumabao sa episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa susunod na Sabado, August 20.

Masayang-masaya ang aktor dahil natupad na ang kanyang pinapangarap lamang noon. “I’ve dreamt about this episode for a long time. Dati ko pang pinapangarap na makagawa ng isang MMK episode. It was the most challenging things I had to do ever since,” pagtatapat ni Paolo.

Gumanap ang binata bilang si Jason na anak ng karakter ni Nonie Buencamino sa episode. Si Nuel Naval naman ang naging direktor para sa espesyal na episode. “I am very happy sa nabigay ko sa episode hindi lang dahil sa sarili ko kung hindi dahil napaka-blessed ko nakatrabaho ko si Direk Nuel. At the same time si Tito Nonie at saka ‘yung iba pang artista na kasama ko sa episode. Sobrang laking tulong nila sa akin. I was just riding with everything that they’re throwing at me. It was just such a learning experience for me,” pagbabahagi ng aktor.

Ayon pa kay Paolo ay malapit sa kanyang puso ang istorya tungkol sa mag-ama na tampok sa longest-running drama anthology. “I can relate to Jason. Ako kasi mahal na mahal ko rin ‘yung papa ko. ‘Coz I grew up with my stepfather. He raised me since I was born. Grabe ‘yung pag-a-appreciate ko sa ginawa niya na ‘yon. Kasi hindi madali ‘yon ‘yung tatanggapin mo ‘yung isang bata ng taong mahal mo na hindi naman sa iyo. So grabe ang love ko for my dad because of that,” paliwanag ng binata. Reports from JCC

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with